Lucy Torres-Gomez at Lani Mercado, naggagandahang congresswomen!

SINCE MAY ELECTION fever pa rin, isa sa pinag-uusapan ay ang mga bagong halal sa congress na magiging star-studded na ito.

Pinoroklama na bilang congresswoman ng lone district of Bacoor si Lani Mercado nu’ng nakaraang Martes ng gabi at si Lucy Torres-Gomez naman ay kahapon ng umaga kaya malaki ang pasasalamat nito sa mga supporters niya na sa Ormoc dahil talagang binantayan daw siya sa mga masasamang balak ng mga kalaban nito.

Pero naiproklama na nga si Lucy kaya ewan ko kung meron pang reklamong isasampa ang mga kalaban nito.

Parang nakahinga na rin daw nang maluwag si Lucy dahil sa hirap na pinagdaanan ni Richard Gomez kaya siya na ang ipinalit pagkatapos ma-disqualify ang kanyang asawa.

Si Lani naman, ganu’n din ang pakiramdam dahil sa hirap din ng pinagdaanan nito. Ang dami nga raw paninirang ibinato sa kanya para lang matalo ito pero mabuti’t hindi naman ito pinaniwalaan ng mga taga-Cavite dahil wagi naman ito at lehitimo na nga siyang congresswoman ng lone distric ng Bacoor.

Ngayon ay pinag-uusapan na magiging star-studded ang kongreso dahil bukod kina Lucy at Lani, pasok din sina Madame Imelda Marcos, Manny Pacquiao, Dan Fernandez at ilan pang celebrities.

Pinag-uusapan na rin ng mga bakla kung sino kaya ang may pinaka-bonggang suot sa pagbubukas ng kongreso at kung sino ang pinakamaganda.

Natawa si Lani nang tinanong namin ito dahil wala pa raw sa isip niya kung ano ang isusuot nito. Marami pa raw siyang iniisip sa ngayon at aayusin kaya hindi pa raw niya alam kung ano ang isusuot nito. Pero hula na namin, tiyak na si Paul Cabral ang gagawa ng gown ni Lani.

Ganu’ndin ang reaksiyon ni Lucy nang tinanong namin kung napaghandaan na ba niya ang isusuot nito sa first day niya sa Kongreso. “Kayo talagang mga bakla kayo! Ha-ha-ha! Hindi ko pa naisip ‘yun,” natatawang sagot sa amin ni Lucy.

Si Lani ay lie-low daw muna sa showbiz dahil mahirap daw sa kanya na isabay ang trabaho sa showbiz kung meron din siyang trabaho sa kongreso at kailangan naman daw niyang may panahon pa siya para sa kanyang pamilya.

Gusto naman ni Lani na hindi niya mapapabayaan ang kanyang mga anak at si Sen. Bong kahit nasa Kongreso siya. Kaya maisasantabi raw muna ang showbiz para maharap naman daw niya ang bago niyang responsibilidad para sa mga constituents sa Bacoor.

Si Lucy naman ay kaya raw niyang ipagpatuloy ang trabaho niya sa showbiz dahil kaya naman daw ng schedule niya.

May mga regular show pa si Lucy na hindi naman daw niya puwedeng iwan kaya tuloy pa rin daw siya kasabay ng bago niyang trabaho sa kongreso.

Si Alfred Vargas naman na wagi bilang konsehal sa district 2 ng QC, gusto naman daw niyang bumalik sa showbiz pero paghahandaan daw muna ang kanyang katawan dahil medyo lumusog siya ngayon sa ilang buwan niyang  pangangampanya.

Malamang sa buwan ng July ay payat na raw siya para bumalik naman daw ang pagiging hunk niya bago siya isabak sa trabaho.

Pero hati na raw ang schedule niya sa showbiz at sa kanyang trabaho sa district 2 ng Quezon City.

Si Christopher de Leon naman na wagi bilang Board Member ng Batangas ay gusto na ring bumalik sa trabaho dahil kahit meron na siyang bagong trabaho sa naturang lalawigan, hinahanap pa rin naman daw niya ang trabaho bilang artista.

Hangad naman ng mga artistang pulitiko na makapagsilbi. Pero siyempre, hindi naman mawawala sa kanila ang pagiging artista dahil diyan naman sila kumikita at hindi sa pagiging pulitiko. Sana nga po!

By Gorgy’s Park

loading...

10 thoughts on “Lucy Torres-Gomez at Lani Mercado, naggagandahang congresswomen!

  1. ANG PAMILYANG REVILLA NA LABIS NA GAHAMAN SA KAPANGYARIHAN BALANG ARAW SA PANAHON NG PAGHUHUKOM MAGKAKASAMA SAMA SILA SA APOY NG IMPYERNO HOY MGA REVILLA ANG BUHAY HINDI LANG SA MUNDONG ITO.

  2. bigyan nyo naman sila ng chance..malay nyo…i think lucy is smart naman…. c lani, im not sure,pero mukha nga maldita…. hehehe… i think kung pinaitim c lucy,maganda pa rin yan…. mukha syang barbie…maputi or maitim…..inggit lang kayo…

  3. Way to go Lani. Hindi ka naman iboboto ng mga constituents mo kung wala silang tiwala sa ‘yo. Huwag mong pansinin ang mga comments ng iba, siguro akong hindi mga tiga Bacoor yan.
    Sa nagsabi na wala pang kalahati si lani sa kagandahan ni Lucy, may kasabihan nga na “beauty is in the eyes of the beholder”. At sa aking pananaw, mas magandang di hamak si Lani kesa kay Lucy. Siguro pag pinaitim mo kahit konti si Lucy eh mag-iiba ang itsura nya.

  4. Sobra naman kayong makapaghusga, it does not matter na natalo ang mga manok nyo eh kung anu-ano na ang sasabihin nyo kay Lani. Sourgraping lang yan. In fairness, mukha namang matalino si Lani. Mas sensible naman syang sumagot kesa sa ibang tao. So, wag nyo ng sisihin ang mga tiga Bacoor kung ibinoto nila si Lani. Deserving naman si Lani na manalo.

  5. SI LANI..E ANG ALAM LANG NIYAN MAGPAYAMAN MGA ANAK NIYA NAKABUNTIS O NABUNTISAN…ALAGAAN MO NA LANG MGA ANAK MO…AT ANG ASAWA MONG MANIAC

  6. BAKIT GANOON ANG MGA TAO SA BACOOR CAVITE PARANG MGA WALANG ISIP PINANALO NILA ANG ISA TAONG TANGA AT BOBA GAYA NI LANI..ANO NA BA NANGYARE NGAUN SA MUNDO ISANG ABNOY NAMAN ANG NANALO SA PRESIDINTE.EH DAPAT SA MENTAL HOSPITAL YAN DOON SIYA BAGAY.

  7. nagtaka nga ako bakit nanalo yang babaeng yan lani boba mercado eh wala naman alam yan…ano ba yan, mga tao talaga ang kasikatanang tinitingnan wala naman alam bobo naman.
    nanay ko po neh wala sa kalahati yang lani mercado nyo kay Lucy torres..sa kagandahan super ganda ni Lucy si lani pangit na masamang ugali pa.at super bobo pa pareho sila asawa nyang manyak at bobo na si bong bobo revilla.

  8. CONDOLENCE…BACOOR , CAVITE!!!!!!

    Isang malaking katangahan ng mga botante iyang nangyari ke Lani Mercado. Mabuti kung malapitan ninyo iyan apra humingi ng tulong eh maldita at suplada iyan!!! Ni hindi mo malapitan kung namimili sa SM .Bacoor iyan at puro bodyguards pa….

    Pinayaman lang ninyo ng husto iyan sa makukuhang pork barrel. Buti kung ambunan kayo niyan

Leave a Reply

Your email address will not be published.