Lucy Torres, excited sa balik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zuleta!

NAGBABALIK-BILANG ISANG KAPAMILYA si Richard Gomez matapos ang halos isang dekada. He recently signed a contract with ABS-CBN. “The prodigal son is back,” pabiro niyang pahayag sa isang interview.

Goma will be paired with his former leading lady Dawn Zulueta in the new series titled Walang Hanggan for his first project with the Kapamilya Network. Sabi niya, “It’s really nice kasi I haven’t seen Dawn in a really long time. Hindi pa namin napag-usapan ang proyektong gagawin, sa [story conference pa lang kami] magkukuwentuhan.”

Dagdag pa ni Goma, “Alam mo maganda iyong project and I think that is very important para kapag nakita ulit tayo sa ABS-CBN ay maganda ang maiaalay natin sa tao.”

Walang Hanggan is said to be the television version of Hihintayin Kita sa Langit, the classic movie of Goma and Dawn in 1991. It also stars Susan Roces, Helen Gamboa, Joem Bascon, Melissa Ricks, Paulo Avelino, Julia Montes, and Coco Martin. The series is one of the opening salvos of ABS-CBN next year.

Matagal na ring hindi nagkakasama sa isang pelikula ang dalawa who worked together on Hihintayin Kita sa Langit, Iisa Pa Lamang, and Akin ang Pangarap Mo.

Wala namang isyu kung magkatrabaho man sila sa isang project because his wife Lucy is a big fan of their tandem. Kuwento niya, “Well si Lucy, she’s a big fan of Richard and Dawn. Si Lucy watched Hihintayin Kita sa Langit more than 20 times. When she heard about it, she texted Dawn right away. Mas nauna pang na-text si Dawn kaysa sa akin.”

Natutuwa sina Goma at Dawn dahil very supportive ang kanilang mga asawa. Interestingly, parehong nasa pulitika sina Lucy (Rep. of 4th District Leyte) and Anton (Rep. of 2nd District Davao del Norte).

It’s nice to see Richard again on ABS-CBN. Matagal na umere sa telebisyon ang kanyang hit sitcom na Palibhasa Lalake where he plays Goma. Dito rin ipinalabas ang Richard Loves Lucy from 1999 to 2001.

Kung natupad na sa wakas na muling magsama sa isang project sina Dawn at Goma, kailan naman kaya makikita sa isang series o pelikula sina Goma at Megastar Sharon Cuneta? “Hopefully one day, kapag may tamang project for the two of us. We’ll see,” he said.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Lucy Torres, excited sa balik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zuleta!

Leave a Reply

Your email address will not be published.