Lubak-Lubak na Kalsada at Iligal na Terminal, Inirereklamo sa Caloocan

LUBAK-LUBAK NA kalsada at mga iligal na terminal ng pedicab, public utility jeep (PUJ) ang nagiging sanhi umano ng pasisikip ng daloy ng trapiko sa District 2, Caloocan City.

Ayon sa mga pedestrian, commuter at mga jeepney driver, kahit hindi rush hour ay bumper to bumper na ang mga sasakyan sanhi ng lubak-lubak na kalsada at mga iligal paradahan ng mga nabanggit na sasakyan.

Makikita umano ang pilahan ng mga tricycle sa harapan ng establisimyemto ng Pure Gold na makikita sa kahabaan ng Samson Road.

Ang nasabing nakapilang tricycle ay hindi naman awtorisadong humakot ng mga pasahero, dahil pawang mga out of line ang mga nakapilang tricycle na kulay-pula sa harap ng Pure Gold.

Ayon sa ayaw magpakilalang impormante, ang pilahan sa harap ng Pure Gold ay pinagkakakitaan umano ng ilang ganid na miyembro ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTN) at ang maging ng barangay captain na si Faustino Adelino ay kumikita rin umano sa mga nakapilang tricycle.

Bukod dito, nagiging sanhi rin ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang mga nakapilang PUJ sa harap ng Old Ever Gotesco sa Samson Road, kung saan pinagkakakitaan din umano ng ilang miyembro ng DPSTM.

Nagiging sanhi rin umano ng trapiko sa nasabing lugar ay ang lubak-lubak na kalsada at mga nagsisitawid na mga tao. Hindi man lamang inaaksiyunan ng pamahalaang lungsod ang sira-sirang kalsada para ipagawa.

Sa tuwing umaga hanggang hapon ay bumbper to bumbper din ang mga sasakayn sa kahabaan ng Samson Road patungong Sanggandaan, dahil nagsalasalabat ang mga pedicab, habang ang harapan ng Jollibee sa Sanggandaan ay may nakapilang PUJ na pinagkikitaan din umano ng mga traffic enforcer ng RDPSTM sa pamumuno ni Alfonso Sta. Maria.

(ROMAN MAGPOC)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.