LTO CHIEF VIRGIE TORRES, DAPAT MAG-RESIGN; AT ANG JUETENG NI TONY S

KUNG MAPATUNAYAN DAW na sangkot siya sa carnapping syndicate ay agad siyang magre-resign.

Ito, parekoy, ang paniniyak ni LTO Chief, Usec. Virginia Torres na kung iyong susuriing mabuti ay para bang isang inosente ang nagsasalita.

Ito naman, parekoy, ang tahasan kong sasabihin kay Usec. Torres, kung mapatunayan mong hindi ka sangkot sa carnapping syndicate ay huwag kang mag-resign!

Ano ang pagkakaiba nito, parekoy? Simple lang, kung mapatunayan kasi na sangkot si Torres sa carnapping syndicate, hindi na nito kailangan pang mag-resign… dahil awtomatikong sisibakin na ito at ipapakulong!

Nakalimutan siguro nitong si Torres na sa pagiging hepe ng LTO (Land Transportation Office) ay hindi lamang kailangan niyang patunayan na hindi siya sangkot sa alinmang carnapping syndicate.

Ang una mong kailangang patunayan Madam Torres na malinis ka!

Beyond reproach, ‘ika nga!!!

At tungkol sa bagay na ‘yan, mahirap sabihing malinis ka hangga’t hindi nagpapalabas ng resolution ang piskalya na nililinis ka roon sa kasong kinasasangkutan mo…

…na tungkol sa pagre-rehistro ng isang kwestiyunableng sasakyan!

Sa totoo lang, kung tutuusin, hindi ka nga dapat na nailagay bilang hepe ng LTO habang hindi pa tapos ang kaso mo!!!

Mas mabuti pang itanong mo na lamang sa sarili mo, LTO Chief Torres kung bakit kaya nagkasunud-sunod ang carnapping incident sa panahon ng panunungkulan mo?

Hahaha, secret… Pwe!!!

KAHIT ANONG DEPENSA ang gawin ng mga tauhan ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista na hindi nakararating sa tanggapan ng alkalde ang pera ng gambling lord na si Tony Santos ay hindi maniniwala ang taumbayan.

Una, walang gagong gambling lord na mag-o-operate sa isang lugar kung walang basbas ng pinakamataas na opisyal!

Pangalawa, bakit bahag ang buntot nina QCPD Director, C/Supt. Benhardi Mantele at DPOS Chief Gen. San Diego?

Dahil kapag binira nila ang Jueteng ni Tony Santos ay may paglalagyan sila kay Bistek… ganu’n ba?

Alangan namang kay “Papa Mayor” naka-kunek ang gambling lord na ito at hindi kay Bistek…

Or both?

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.