LTO chief sa Ozamis, nilikida

MISAMIS OCCIDENTAL – PATAY ang hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Ozamis City makaraang barilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Gerry Depatimpos Banggan, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Ozamis City PNP, naglalakad ang biktima patungong tennis court sa nasabing bayan nang harangin ng mga salarin saka binaril nang tatlong beses.

Sa autopsy, tatlong tama ng punglo sa ulo at dibdib ang ikinasawi ng biktima.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.