LTFRB, Ayaw Makialam sa Bus Ban sa Maynila

HINDI MUNA makikisawsaw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isyu ng mga bus ope-rators laban sa bagong pinaiiral na ordinansa sa Maynila.

Sinabi ni LTFRB public information officer Sonia del Mundo na hinihintay pa ng tanggapan ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang resulta ng pag-uusap ng panig ng mga bus operators at Manila Mayor Joseph Estrada.

Una nang pinagbawalan ng pamahalaan ng lungsod na makapasok sa Maynila ang mga bus na walang existing terminals sa lugar.

Layunin umano ng naturang  kautusan ay para masolusyunan ang suliranin sa trapik at pagpasok ng mga kolurom na mga bus sa lungsod.

Samantala, maliban sa bus operators, umalma rin ang libu-libong commuters sa nabanggit na panuntunan lalo’t kailangan nilang mag-double ride para makarating sila sa kanilang destinasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.