Lt. Gen. Eduardo Oban, bagong AFP Chief of Staff

HINIRANG NI PANGULONG Benigno Simeon C. Aquino III  bilang ika-42 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si  Lt. Gen. Eduardo Oban, dating deputy  chief of staff at vice commander ng Philippine Air Force (PAF).

Sa commencement day sa Philippine Military Aca-demy (PMA) Baguio City noong Linggo, ay inanunsyo ng Pangulo ang kapalit ni outgoing AFP Chief of Staff, Gen. Ricardo David.

Si Oban na tubong Castilla, Sorsogon ay miyembro ng PMA Class 1979 at nagtapos ng may magandang grado at parangal gaya ng Aguinaldo Saber.

Bago pumasok sa PMA, nag-aral muna sa University of Sto. Tomas (UST) si Oban at kumuha ng master degree in Business Economics sa University of Asia and Pacific mula July 2002 hanggang June 2005 habang gumaganap bilang Director for Operations ng 5th Fighter Wing of the PAF.

Ngayong araw na ito, Lunes (March 7) ay pormal nang uupo bilang pinuno ng AFP si Oban.

Magugunitang noong isang linggo ay naging “guessing game” sa mga mamamahayag kung sino ang uupo bilang bagong AFP CS.

Sa PMA Alumni Home Coming noong February 19 ay sinabi ng Pangulo na posibleng mas bata ang kanyang iluluklok upang mapagsilbihan ng maayos ang AFP.

Dito, pumasok na posibleng mailuklok ang mga junior officer na sina Maj. Gen. Jessie Dellosa at Maj. Gen. Emmanuel Bautista.

Subalit papalapit ang paghirang at nabago naman ang nais ng Pangulo kung kaya nadagdagan ang pagpipilian kasama na sa top contenders sina AFP vice chief Lt. Gen. Reynaldo Mapagu (PMA 1978), AFP deputy chief Lt. Gen. Eduardo Oban (PMA 1979), Army chief Lt. Gen. Arturo Ortiz (PMA 1979), Air Force chief Lt. Gen. Oscar Rabena (PMA 1978), Western Command chief Lt. Gen. Juancho Sabban (PMA 1978),  Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Raymundo Ferrer (PMA 1977), Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Gaudencio Pangilinan, Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Roland Detabali, Central Command chief Lt. Gen. Ralph Villanueva, at AFP Inspector-General Vice Admiral Mario Catacutan.

Dalawang araw bago ang pagpapangalan, lumiit ng hanggang dalawa ang pagpipilian kina Oban at Dellosa habang nag-give way na si Ortiz na malapit nang magretiro. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.