LT, binarat ng Star Awards?!

NALOKA NAMAN AKO sa nabalitaan ko na sobrang liit ng cash prize na natanggap ni Lorna Tolentino nang tanghalin siyang Female Star of the Night sa katatapos na Star Awards for Movies.
True ba na P2,700 ang nakalagay sa envelope na tinanggap ni Lorna matapos siyang tanghaling Star of the Night? Maging si LT ay medyo na-amuse nga raw nang makita niya ang laman ng sobre.
Hindi naman nagreklamo si Lorna. Wala naman iyon sa kanya. Kaya lang, hindi talaga kapani-paniwala na ganoon lamang ang halagang dapat niyang tanggapin.
Ang alam namin, P10,000 ang kalakip na cash prize ng mga magwawaging Star of the Night. Bakit may butal? Ano ba ang nangyari at nagkaganito? May pagkakamali ba sa pag-abot ng sobre o sa paglalagay ng pera sa sobre? Nagtipid ba ang sponsors ng naturang special award kaya naman ganoon na lang kaliit ang kanilang ipinamimigay ngayon?
Anyway, deserving si Lorna na magwaging Star of the Night. Hindi na naman bago ang award na ito sa kanya. Matagal na siyang nahihirang na pinakamagandang celebrity na dumadalo sa Star Awards.
Nagri-react naman ang kampo ni LT, at sinasabing hindi raw totoo na P2,700 ang natanggap. Sinasabi nila na P5,000 cash at P10,000 gift certicates ang natanggap ni LT.

NAKATUTUWA NAMAN ITONG si Angel Locsin.
Para lamang umabot siya sa kanyang guesting sa Pilipinas Got Talent noong Saturday ay nag-taxi siya patungo sa AFP Theater. Ganoon siya ka-propesyonal.
Ang sabi ni Angel sa kanyang twitter account, nakatulog ang kanyang drivers, meaning hindi lang isa. Typical kindhearted that she is, hindi na niya inabala ang pagtulog ng kanyang driver at pinabayaan na lamang niya itong matulog. Naku, kung iba-iba ‘yan, malamang nasisante na sila sa kanilang kapabayaan. Imagine, may lakad ang amo mo tapos ikaw matutulog na lang.
Malapit nang mapanood muli si Angel sa telebisyon. May bago siyang teleserye kasama si John Lloyd Cruz. Nakapag-workshop na nga sila sa bago nilang project entitled Imortal.

NAPAKAHILIG PALA NITONG comedian sa babae. Maging ang bestfriend niyang isang kilalang singer ay wala ring pakialam basta pambababae na ang pinag-uusapan.
Actually, partners in crime sila.
One time, nag-party ang dalawa sa bahay ng isa nilang kaibigan. Siyempre, may mga girl na naki-join. Kabilang na rito ang isang seksing starlet na hindi na masyadong active ngayon sa showbiz.
Nang mag-init na, siyempre, nagdrama ang comedian na nahihilo siya at nagpapasama sa female starlet. Join naman ang hitad. Sa kuwarto na naganap ang susunod na kabanata. Siyempre, umaatikabong sex ang nangyari sa dalawa.
Nang matapos na ang mga ito, enter the dragon naman ang kaibigang singer ng komedyante. Lashing na rin ang beauty ng male singer. At alam na alam na ng komedyante ang gusto nitong mangyari. Pinagbigyan naman niya ang kaibigan niyang singer. Siyempre, naganap ang dapat maganap.
Hindi naman umangal si female starlet dahil ‘di hamak naman na guwapo ang male singer kaysa sa comedian.
After ng kanilang tryst, nagkuwento ang babae sa mga kaibigan niya. Reggie regalado (regualar) lamang daw kasi ang kargado ng comedian samantalang more than average naman ang sa male singer. Wala rin daw binatbat ang komedyante when it comes to the romance department dahil mas magaling daw magpaligaya ang male singer.
Sinex ang dalawang maelyang lalaki? Well, ang komedyante ay halos araw-araw na napapanood sa TV samantalang ang kanyang male singer friend naman ay once a week lamang makita sa small screen.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

9 thoughts on “LT, binarat ng Star Awards?!

  1. yung second article… ms. abigale is correct.. hindi po si angel locsin ang nagtaxi… SI MISS KRIS AQUINO-YAP po ang nagtaxi papuntang AFP Theater… for one, Angel Locsin is obviously not a host of PGT… secondly, buong mundo ang nakarinig at nakasaksi na galing mismo sa bibig ng Queen of All Media ang insidenteng ito..

    to the editing staff of Pinoy Parazzi.. i think this article deserves some more editing prior to publishing… peace po… katototohanan lang…

  2. maybe the commediane is vhong navarro???how bout the male singer?kc db everyday sya npapanood because of its showtime..and yup c kris ung ngtaxi..napanood ko un.

  3. correction po si kris aquino ang nag taxi at hindi si Angel locsin at hindi nag guest sya sa PGT … napaghahalatang walang kwenta at bulok ang chika

  4. So what if Kris Aquino will become Noynoy’s spokesperson when elected as President?

    Here is one scenario I created while under the spell of caffeine:

    Reporters: Mam, how is President Noynoy Aquino doing? What are the things that he wants to accomplish on the first months in office?

    Sec. Kris Aquino: Well, President Noynoy Aquino woke up very maaga. Tapos un, he had breakfast with us and Josh and Baby James, then sabi ko nga sa kanya, “Noy, wear this kasi you will look better on this barong. And this pants.” Grabe talaga, super dami ni President Noynoy na gustong gawin for our nation especially the mahihirap.

    (one reporter smilling)

    Sec. Kris Aquino: What? Why are you smilling? (laughs) Grabe naman, believe me guys. Noynoy will do everything para sa ating nation. Have you seen his new barong? Gawa ni friend kong si JC un. Looks great dib a? And you know, I told him nga kanina na ayusin ang hair nya or else matulad siya kay Boy Abunda (laughs).

    (Kris has been speaking with the reporters for 3 hours nonstop).

    Sec. Kris Aquino: And you know….

    Dah dah dah dah…

    So maybe I will just have to prepare myself for though if ever Noynoy wins and chooses an official presidential spokesperson, we will always hear Kris Aquino sharing to public things that would make Noynoy red-faced.

    That is what you call a genuinely transparent Presidency.

    How do you see Kris Aquino’s role so far in line with Noynoy Aquino’s Presidential aspiration? How do you see Kris Aquino’s role if ever Noynoy wins the Presidency?

  5. hahaha hindi po si angel ang nagtaxi kundi si kris a. ni retweet lang po ni angel ang shout out ni ms kris aquino na nagtaxi siya para makaabot sa pilipinas got talent. hindi po nag guest si angel sa PGT

Leave a Reply

Your email address will not be published.