LRTA Chief, nag-resign

BUMABA NA sa puwesto si Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Rafael Rodriguez.

Base sa pahayag kahapon ni LRTA spokesperson Hernando Cabrera, pormal na inihain ni Rodriguez ang kanyang resignation letter kay Department of Transportation and Communication (DoTC) Sec. Mar Roxas.

Sinasabing epektibo sa Marso 31 umano ang resignation ng naturang opisyal.

Wala pa umanong tiyak na impormasyon kung sino ang papalit sa iiwanang puwesto ni Rodriguez.

Sa Senado, nakabinbin ang panukalang pagtaas ng singil sa pamasahe sa MRT at LRT.

Pero ayon kay Sen. Manny Villar, 13 senador na ang pumabor sa kanilang resolusyon na nanawagan sa Palasyo na ipagpapaliban muna ang pagpapatupad ng dagdag na singil sa train system.

Ayon sa senador, ipaaabot nila ang resolusyon hindi lamang sa Palasyo kundi sa lahat ng may kinalaman sa isyu ng MRT-LRT fare hike.

Sinabi ng senador na hindi napapanahon para itaas ang singil sa tren lalo’t sabay-sabay ang pagtaas ng mga bayarin at presyo ng mga bilihin.

Nabatid na sa Senate Resolution 602 ni Villar kasama sina Sen. Ralph Recto at Joker Arroyo, sinabi na batay sa naging pagdinig ng Senate committee on public services, hindi kailangang dagdagan ang pamasahe sa MRT at LRT dahil may sapat na kita ang LRTA para tustusan ang operating expenses ng dalawang rail transit system.

Ilan sa mga lumagda pabor sa resolusyon ay sina senador Juan Ponce Enrile, Tito Sotto, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Chiz Escudero, Bongbong Marcos, Loren Legarda at Antonio Trillanes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.