LRT, Titiyaking Ligtas

KAHIT WALANG TRAVEL advisory mula sa iba’t ibang bansa kung saan pinag-iingat ng mga ito ang kanilang nationals na pumunta sa Pilipinas, ipinahayag ng pamunuan ng Light Rail Transit na isa sa kanilang patakaran ay ang tiyaking ligtas ang lahat ng istasyon ng LRT mula sa sinumang magnanais gumawa ng hindi kanais-nais sa “riding public.”

Ito rin ang ipinangako ng Department of Transportation and Communications (DOTC), kung saan ngayon pa lang ay ginagawa na umano nila ang lahat ng pag-iingat upang matiyak ang seguridad sa Light Rail Transit (LRT).

Sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na karaniwan na silang naghihigpit lalo na kung dumarating ang kapaskuhan.

Bukod aniya sa pagdaragdag ng mga empleyado na magbabantay sa iba’t ibang LRT station, hihingi na rin ng dagdag na puwersa ang LRTA mula sa Philippine National Police (PNP).

Kasunod nito, ipinaaabot din ni Cabrera sa mga commuter na kung maiiwasan, huwag nang magdala ng mga bagahe na selyado o mga regalo dahil tiyak na ito’y kanilang pabubuksan.

Kaya kung ayaw umano ng mga pasahero na hindi na sila maabala pa ay iwasan na lamang magdala ng nasambit na mga selyadong bagahe dahil wala umano silang palalagpasin upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.