LRT, Tigil-Operasyon sa Mahal na Araw

PANSAMANTALANG ITITIGIL ng Light Railways Transit Authority (LRTA) ang kanilang operasyon mula Abril 4 hanggang 8 bilang paggunita sa Mahal na Araw.

Sinabi ni Engr. Emerson Benitez, officer-in-charge ng LRTA na ang biyahe ng LRT Line 1 at Line 2 ay magsasara ng alas-8 ng gabi sa Abril 4, Miyerkules Santo hanggang Abril 8, Pasko ng Muling Pagkabuhay upang magkaroon ng mahabang panahon ang kanilang tanggapan sa pagsasagawa ng maintenance work.

Magsasagawa sila ng paglilinis at pagsusuri sa lahat ng pasilidad ng LRT, mga piyesa at pagpapalit ng catenary wires at rail ballast sa iba’t ibang kritikal na lugar, ayon kay Benitez.

Ang Line 1 ng LRT ay may biyaheng mula Baclaran sa Pasay City hanggang Roosevelt habang ang Line 2 ay bumibiyahe mula Recto hanggang Santolan sa Pasig City.

Magbabalik ang o-perasyon ng LRT sa Abril 9, araw na ng Lunes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.