LRT, MRT ligtas sa terorista

SINIGURO NG PAMUNUAN ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) na walang dapat ikabahala ang publiko dahil ligtas ang kanilang mga tren laban sa posibleng pag-atake ng terorista.

Sinabi ni LRT Administration (LRTA) spokesman Hernando Cabrera sa publiko na sigurado silang ligtas ang biyahe ng mga ito dahil mas pinaigting nilang lalo ang seguridad sa naturang pangunahing transportasyon sa bansa.

Sinabi pa ni Cabrera, itinuturing ng mga law enforcement agency sa bansa na  “high value target” ng mga terorista ang mga tren ng LRT at MRT kaya nagpapatupad sila ngayon ng maingat at mahigpit na seguridad sa lahat ng kanilang mga pasahero.

Ayon pa kay Cabrera, wala pa umanong pangangailangan para sa pagdaragdag ng mga tauhan dahil sapat naman aniya ang mga nakatalagang guwardiya sa bawat istasyon ng LRT at MRT.

Bukod pa sa mga pulis mula sa Public Safety Battalion ng Philippine National Police (PNP) na katuwang ng kanilang mga security guard sa mahigpit na pagbabantay sa bawat LRT at MRT station.

Ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad ay bunsod na rin ng posibleng paghihiganti ng mga kaalyado ng napaslang na international terrorist na si Osama Bin Laden. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.