LPG, Nagbawas-Presyo

NAGTAAS MAN ng presyo ang langis, nagbawas naman ang liquefied petroleum gas (LPG) sa ilang kompanya kahapon ng madaling-araw.

Nagbawas ng P1.50 kada kilo o katumbas na P16.50 kada 11-kilong tangke ang Solane LPG. Samantalang P1.65 kada kilo ang ibinawas naman ng Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P18.15 kada tangke. At P1.03 kada kilo naman o P11.33 sa kada 11-kilong tangke ang rollback sa Xtend autoLPG.

Ang pagbaba ng international contract prices ng LPG ngayong darating na Disyembre sa merkado ang dahilan ng pagbawas-presyo ng mga kompanyang ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.