LPG, Malaki ang Itinaas; Mga Kumpanya ng Langis, Pinagpapaliwanag ng DOE

PINADALHAN NA ng sulat ng Department of Energy (DOE) ang Shell at Total para pagpaliwana-gin sa malaking dagdag sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Sinabi ni DOE Secretary Jericho Petilla na sa kalkula nila’y hindi dapat hihigit sa P3 kada kilo ang itataas sa LPG.

Pero ang Solane ng Shell ay nagtaas ng P4.45 habang P3.75 hanggang P3.80 ang sa Total.

Ayon kay Petilla, kahit deregulated ang mga kumpanya ay nais nilang matiyak na hindi nag-usap-usap ang mga ito sa kung magkano ang itataas.

Samantala, nanindigan ang Solane na tama ang kanilang ipinatupad na paggalaw sa presyo ng LPG.

Sa ngayon, pasok naman aniya sa kanilang kalkulasyon sa pagtaas ng presyo ng petrolyo kahapon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.