LP, hands-off sa pagpili ng bagong DILG chief

IAANUNSIYO NA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa susunod na linggo ang papalit sa iniwang puwesto ng yumaong kalihim na si Jesse Robredo bilang bagong tagapamuno ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ihahayag ng Pa-ngulo ang bagong DILG secretary bago tumulak patungong Russia para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting.

Sa ngayon, si Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa ang tumatayong officer-in-charge sa naiwang puwesto ng kalihim.

Nasa ilalim ng tanggapan ng DILG ang pagtutok sa mga lokal na pamahalaan sa bansa, ang pambansang pulisya, Bureau of Fire Protection at iba pa.

Samantala, nilinaw naman ng Liberal Party (LP) na hindi sila makikialam sa pagpili ng bagong kalihim ng nasabing ahensiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “LP, hands-off sa pagpili ng bagong DILG chief

Leave a Reply

Your email address will not be published.