LOZANO, POSIBLENG BIKTIMA NG CAR THEFTS SA CENTRAL LUZON

ILANG CAR THEFT groups na naka-base sa Pampanga ang tinitingnang responsable sa pagpatay sa anak ni Atty. Oliver Lozano at pagdukot sa isa pang car dealer sa Quezon City.

Ayon kay Central Luzon Police Director, Chief Supt. Allan Purisima, nagpakalat na sila ng intelligence personnel para kumpirmahin ang impormasyon sa kade-deliver na Toyota Land Cruiser at Kia Carnival Van sa isang bayan sa Pampanga.
Inihayag ni Purisima na may isang lugar sa lalawigan na pinagbabagsakan ng mga carnap na sasakyan.

Hindi rin aniya nila inaalis ang posibilidad na iisang grupo ang nasa likod ng pagpatay kay Emerson Lozano at driver nitong si Ernani Sensil at sa pagdukot sa car dealer na si Venson Evangelista.
Samantala, umaasa ang PNP na mareresolba nila sa loob ng isang linggo ang kaso ng pagpatay kay Emerson.

Ayon kay PNP chief, Director General Raul Bacalzo, may hawak na aniyang testigo ang pulisya at patuloy ang kooperasyon ng publiko kaya’t posibleng maresolba ng Special Task Force ang kaso sa lalong madaling panahon.

Si Emerson kasama ang driver nitong si Sensil ay nawala noong Enero 12 bago natagpuang patay sa Pampanga at Tarlac.
Sa inisyal na pagsusuri, kapwa nagtamo ng tama ng bala sa batok ang dalawa.          (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.