Lozada, Harapin na Lamang ang Kaso mo – Soliman

DAPAT NA harapin na lamang umano ni NBN-ZTE whistleblower Jun Lozada ang kanyang kaso sa Ombudsman sa halip na akusahan ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ng panggigipit sa kaso nito.

Ito ang buwelta ni Social Welfare Sec. Dinky Soliman, na isa sa dumalo sa meeting sa Palasyo noong buwan ng Pebrero.

Ayon kay Soliman, ang concern umano ni Lozada ay ang pangha-harass sa kanyang kaso noong pangulo pa lamang siya ng Philippine Forest Corporation.

Kinumpirma rin ng kalihim na kasama sa pilit na gustong pag-usapan ni Lozada sa meeting kay Pa-ngulong Aquino at pakialaman ng presidente ang kaso niya.

Ang naturang concern umano ay inihayag din ni Sister Marie Manansala.

Samantala, umapela na lamang si Soliman na ang isyu kay Lozada ay hindi na umano dapat pag-usapan pa sa lebel ng presidente dahil sa dami ng problemang kinakaharap ng bansa.

Maaalala na una nang inakusahan ni Lozada si Pangulong Aquino na panggigipit o ginagantihan siya dahil sa hindi umano pinagbigyan niya ang alok na tulong ng pangulo noong senador pa lamang ito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.