Love Compatibility: Loving Out Loud (Paula Taylor – Vic Sotto)

Screen Name: Paula Taylor
Real Name: Punlapa Margaret Taylor
Birthday: January 20, 1983
Zodiac: Capricorn
Symbol: The Sea Goat
Ruling Planet: Saturn
Quality: Cardinal
Element: Earth
Basic Trait: I Use

Screen Name: Vic Sotto
Real Name: Marvic Castelo Sotto
Birthday: April 28, 1954
Zodiac: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper

Mukhang isa na namang foreign beauty ang nadale ni Bossing sa katauhan ni Paula Taylor sa kanyang latest romantic comedy film. Ibang-iba talaga ang dating ni Vic Sotto pagdating sa chicks dahil naman sa bukod sa guwapo at nakakatuwa, sweet at talaga namang napakamaginoo niya. Baliw lang ang sinumang babaeng hindi maa-attract sa kanyang kakisigan.

Siyempre, hindi naman naiiba ang 26-taong gulang na international model na si Paula. Mabait at napaka-down-to-earth pa raw niya kaya naman malakas ang dating nito sa kanya.

Ngunit kung puso ang pag-uusapan, hindi sikreto sa atin ang lovelife ni Enteng Kabisote. Open book, ‘ika nga, ang kanyang buhay sa marami sa ating Pilipino dahil na rin sa dami ng kanyang nakarelasyon, naging asawa, na-divorce at na-link sa kanya. At alam din naman natin na si Pia Guanio ang nagpapatibok ng puso ni Bossing sa ngayon.

Iba naman ang kaso kay Paula na tahimik lang sa kanyang buhay pag-ibig. Ni hindi man lang siya umaamin o kumukumpirma sa kanyang loviedubs!

Eh, paano kaya kung sa sintu-sintong pagkakataon, eh,  magkatuluyan ang dalawang bida natin? Marami kaya ang magagalit? Iiyak? O, kebs lang? S’wak naman kaya ang kanilang relasyon o pupulutin lang ito sa kangkungan? Ang mabuti pa ay itanong na lang natin sa mga stars kung magki-click ang kanilang love on line!

Si Bossing ay isang Taurus dahil sa ang kapanganakan niya ay noong Abril 28, samantalang ang British-Thai model ay isang Capricorn at isinilang noong Enero 20. Pareho silang naniniwala sa pamumuha ng praktikal at nakikita nila pareho ang mundo bilang isang totoong reflection ng buhay. Kung spiritual at pilosopikal na aspeto naman ang pag-uusapan, wala nang hihigit pa sa ganda ng kanilang magiging pagsasama.

Kailanman ay hindi mararamdaman ng Bull ang anumang insecurity kay Capricorn. Ganu’n din ang mararamdaman ng huli para sa una. Sa katunayan, silang dalawa ang perfect soulmates kung ang zodiac nila ang pagbabatayan. Pareho nilang ipadarama kung gaano sila kaimportante sa bawat isa. Magkaroon man ng kaunting pagkakaiba sa kanilang pag-uugali, masasabi nating isa na ito sa pinakamagandang pagpapares na naganap sa kasaysayan ng mga bituin.

Kaya naman isa lang ang masasabing natin sa kanilang love compatibility. Hindi sila mga tao, hindi rin sila mga hayop, sila ay bagay na bagay. As in compatible sila. Ang love match sa kanilang dalawang pagkatao ay makukuha lamang kung sila ay may tiwala at katapatan sa isa’t isa.

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.