Lovi Poe uses Gov. Chavit Singson’s private plane in tapings and shootings to and from Manila and Ilocos!

SINAGOT NA NG abogado ni Aiko Melendez ang resolution ng mayor ng 21 municipalities ng lalawigan ng Bulacan na ideklarang “persona non grata” ito sa buong Bulacan dahil sa isyu nila ng Bulacan, Bulacan Mayor na si Patrick Meneses at nadamay pa si Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan.

Si Atty. Adel Tamano ang abogado ni Aiko na nagsalita para sa kanya at ipinaliwanag nitong labag sa karapatang-pantao ni Aiko ang ginawang resolution na ‘yun laban sa kanya.

Nagpadala sila ng sulat para sa 21 mayor na ‘yun at doon malinaw na ipinaliwanag ni Atty. Tamano na walang ginawa si  Aiko laban sa Bulacan o sa kaninong Bulakenyo na naging kasi-raan ng naturang lalawigan.

Ang isyu raw nila ni Ma-yor Meneses na dati nitong boyfriend ay wala raw kinalaman sa buong Bulacan. Personal na isyu raw nila ‘yun at hindi na raw sana nanghimasok doon ang mga mayor na pumirma sa resolution na ‘yun.

In-interview namin si Atty. Tamano sa Tweetbiz Insiders nu’ng nakaraang Lunes at ipinaliwanag nito kung bakit nag-request sila na i-withdraw ang resolution na ‘yun.

Alam ko pagdedesisyunan pa iyan ng Sangguniang Panlalawigan at isa nga raw sa kumontra nito at gustong i-disapprove ay si Daniel Fernando na Vice-Governor ng Bulacan.

Ayaw nang magsalita ni Aiko tungkol diyan. Bahala na raw ang abogado niyang magsalita para sa isyung iyan.

Pagdedesisyunan pa iyan ng Sangguniang Panlalawigan, kaya tingnan natin kung mapapasa ang resolution na ito.

SIYEMPRE AYAW MAG-COMMENT ni Lovi Poe tungkol sa panibagong isyu na gamit daw nito ang private plane ni Gov. Chavit Singson na bumibiyahe pa-Ilocos kapag kailangan ito sa shooting ng Temptation Island.

Bongga raw siya dahil sa hectic na schedule niya, nagagawa raw niyang magparoo’t-parito sa Ilocos dahil anytime nagagamit daw niya ang eroplano ni Gov. Chavit.

Tuloy napagdudahang hindi raw talaga sila nag-break ng dating kongresistang si Ronald Singson.

Pero ayaw namang sagutin ‘yun ni Lovi. Tingin ko naman diyan, may naging close na siguro si Lovi sa pamilya ni Ronald, kaya ano naman kung mahihiram nito ang eroplano ni Gov. Chavit?

Mukhang type naman talaga nila si Lovi, kaya hayaan na lang natin kung nai-enjoy nito ang paggamit sa eroplano ng mga Singson.

Hindi naman atin ang eroplanong iyan at hindi naman pera natin ang panggasolina, ‘no!

Kung talagang hindi sila nag-break ni Ronald, desisyon na nila ‘yun na itago na lang ang kanilang relasyon.

In fairness, ang daming pumuri sa kaseksihan ni Lovi na rumampang naka-underwear sa Bench fashion show nu’ng nakaraang Linggo.

Sobrang tensyonado nga si Lovi kaya nu’ng in-interview pagkatapos ng show, malaki ang pasasalamat niya na nairaos niya ang pagrampang naka-underwear dahil first time daw niyang ginawa ‘yun.

Endorser siya ng Bench Body kaya kailangan niya talagang rumampang naka-underwear. Bongga na rin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Comments are closed.