LOVI POE, TODO PASEKSI NA!

ANG MARSO AY maituturing na hot month para kay Lovi Poe. Paano ba naman, siya ang cover girl ng Cosmopolitan at Mega Magazine. Sa Boracay kinunan ang mga larawan ni Lovi na naka-bikini lamang para sa summer cover ng Cosmo, samantalang simply sexy naman ang tema ng kanyang pictorial para sa Mega. Kasali rin siya sa ‘Temptation’ campaign ng Bench, kunsaan naka-bra at underwear lamang siya sa kanyang billboards. Marami ang nabigla sa pagpayag ni Lovi na magpa-sexy sa pictorials at sa pelikula, pero mukha namang nakabuti ito sa kanyang showbiz career.

MEGAN YOUNG, NAG-LEVEL UP NA!

Elevated na sa lead status ang StarStruck graduate-turned-Kapamilya star na si Megan Young via Precious Hearts Romances presents: Hiyas. Balik-tambalan sila ni Zanjoe Marudo na una niyang nakasama sa Kokey nung bagong salta pa lamang siya sa ABS-CBN.

Mula nang lumipat si Megan sa Dos, mas lalo nitong napahusay ang kanyang talento sa pag-arte at pagiging isang effective TV host. Lagare sa taping ang dalaga dahil kasama rin siya ngayon bilang bestfriend ni Melai Cantiveros sa Precious Hearts Romances presents: Mana Po. Makakasama rin niya sa nasabing programa ang indie film favorite na si Mercedes Cabral.

RUFA MAE QUINTO, ‘YAYA’ ROLE NA LANG?

Tuluyan nang nawala sa listahan ng cast ng Temptation Island si Pokwang. Si Rufa Mae Quinto ang humalili sa role na iniwan ng Kapa-milya star. Ito na ngayon ang gaganap sa papel na yaya na ginampanan noon ni Deborah Sun.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga fans ang napipintong pagpapatalbugan sa kaseksihan nina Marian Rivera, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Heart Evangelista, at ito ngang si Rufa Mae Quinto. Unang napabalitang umalis sa production si Heart, pero pumayag muli ito nang mag-swap sila ni Lovi ng role.

Sino kaya ang mas mapapansin sa limang naggagandahang dilag na ito?


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.