Lovi Poe, tinalakan si Rosanna Roces

NAIKUWENTO KO LANG sa huling column ko na ayaw na ni Lovi Poe na pag-usapan ang pagdamay sa kanya ni Rosanna Roces sa panggugulo kay Jolo Revilla, pero may nagkuwento sa aking hindi na raw nakatiis si Lovi, pinatulan na raw niya ito nu’ng huling taping nila sa Lipgloss nu’ng nakaraang Linggo.

Akala ko pa naman, hindi na sila pagtatagpuin ni Rosanna dahil may nakarinig na sinabi raw ng laos na aktres na ito na sa susunod na taping nila ni Lovi, sasabunutan daw niya hanggang sa makalbo si Lovi.

Ayon sa nakarating sa akin na kuwento, nagparinig daw itong Rosanna kay Lovi at hindi na raw nakatiis ang huli, sinagot na raw niya ito at hindi na raw nakapiyok itong babaeng laos.

Pero kung patuloy pa rin silang magsasama sa taping, malamang na gagawa ng gulo itong Rosanna kaya dapat na iwasan na lang ni Lovi dahil hindi naman kapatul-patol.

Palagay ko naman ay nakarating na ito sa Mommy ni Lovi at tingin ko naman diyan, hindi iyan palalagpasin ng Mommy niya.

Kaya subukan lang niyang sabunutan si Lovi, tiyak na susugurin siya riyan ng Mommy ng young actress.

Pero ayaw na kasi ni Lovi ng gulo kaya iniiwasan na niyang palakihin ito. Unfair naman sa kanya na idamay siya sa panggugulo ni Osang kay Jolo dahil wala naman siyang kinalaman diyan.

Kung anu-anong ipino-post daw nito sa Facebook niya pero ayaw na talagang patulan nina Bong at Lani dahil wala naman silang mahihita sa babaeng iyan.

Ang importante, nasa kanila ngayon si Gab at naalagaan nila nang mabuti.

Nakakaloka nga dahil ilang beses ko nang sinasabing hindi na dapat patulan ang babaeng ito, pero sulat naman ako nang sulat. Hay naku!

NAGSALITA NA SI Richard Gutierrez tungkol sa demandang isinampa sa kanya ng asawa ng namayapa niyang PA na si Nomar.

Pati sina Annabelle, Raymond at Ruffa ay nagsalita na rin nu’ng Linggo pero tahimik lang si Eddie Gutierrez.

Actually, nagsalita na si Eddie at may exclusive interview sa kanya si Ricky Lo na mapanood n’yo sa Startalk sa darating na Sabado.

Minsan lang magsalita si Eddie pero matindi at may mga pahayag din siya tungkol sa demanda ni Richard sa PEP na nabasura.

Noon pa man ay galit na ito at umiiwas na lang siyang magsalita dahil wala lang daw siyang magandang sasabihin.

Pero nailabas na niya kay Ricky ang saloobin nito, kaya abangan n’yo na lang ‘yan sa Startalk!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

8 thoughts on “Lovi Poe, tinalakan si Rosanna Roces

  1. eh anu kung nag salita si eddie gutierrez!!! hello no balls naman ang matandang yan sunudsunuran sa asawa, dapat pangalan nya andres guttierezzzz!

  2. eh anu kung nag salita si eddie gutierrez!!! hello no ball naman ang matandang yan sunudsunuran sa asawa, dapat pangalan nya andres guttierezzzz!

  3. AYAN NA EBIDESYA AUDIO NI LOLIT SYA PALA NAGDIREK NUNG SCANDAL..HALA BONG DAPAT SA YO IMBESTIGAHAN KA DIN!!

  4. i am not a fan of rosanna but pinipersonal sya ni lolit na ito addressing her laos na aktres….eh ikw lolit laos din..pareho lang kayo ang lamang lang ni rosanna mas maganda sya kesa sayon..look at you

Leave a Reply

Your email address will not be published.