Lovi Poe, tinalakan ni Direk Joel!

SA BIRTHDAY PARTY ni Romeo “Don” Lerit, Jr. (indie film executive producer) sa Puti Bar & Grill, Timog last Saturday, August 1, may chika kaming nasagap tungkol sa first shooting day ng bago nilang pelikula under Legalas Film na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Snooky Serna at Gloria Diaz sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Tinalakan pala ni Direk Joel si Lovi sa set ng bago nilang indie Film, sa Clark, Pampanga.

Galit na galit at nagmumura raw si Direk Joel nang dumating si Lovi na four hours late sa set. Hindi nga lang sinabi sa amin ng aming kausap kung diretsong minura si Lovi o nagmura lang ito. Ang call time naman kasi ay 11am, dumating ang dalaga ng 3pm na. Hindi man lang daw tumawag o nagpaabiso ang girlfriend ni Jolo Revilla na male-late siya ng dating.

Agad namang kinausap ni Lovi si Direk Joel para mag-apologize at magpaliwanag. Nasiraan daw sila sa daan at late na dumating ang kanyang driver. Hindi binili ni Direk ang excuses ng dalaga. Bagkus, pinagsabihan pa nga siya ni Direk Joel na, “Wala kang karapatan paghintayin kami, you’re just a starlet! Mag-sorry ka sa cast and crew pati na rin sa production staff,” nagtutumiling litanya raw ni Direk Joel.

Alam natin kung gaano katalas ang dila ni Direk Joel kapag galit. Hindi na nga mabilang ang mga artistang kanyang pinaiyak dahil sa mga kagagahan at pagiging unprofessional ng mga ito. Mabuti nga’t nag-cool down na ang award-winning director, mahaba na ang kanyang pasensiya. As much as possible, ayaw na niyang magalit habang nagsu-shooting.

Tahimik lang na nakikinig at nakikiramdam ang buong production staff na baka biglang i-pack up ni Direk Joel ang shooting. Agad naman daw lumapit si Lovi sa kasamahan niyang artista para mag-sorry, pati na rin sa production staff. Kung hindi nga lang daw napakiusapan si Direk Joel, gusto na nitong bumalik ng Manila. Ang nangyari tuloy, inabot sila nang madaling-araw

SA PAGTATAPOS NG May Bukas Pa ni Santino, guest star si John Regala bilang kampon ng kadiliman. Maganda ngayon ang pangangatawan ng aktor, physically fit. “Diet para maraming raket. Tatlong saging sa isang araw ang kinakain ko, morning, lunch and dinner, ‘yun lang plus vitamins and exercise. More than 200 lbs ang nabawas sa akin. Very effective, wala na akong bisyo, clean living na tayo,” pagbibida ni John.

Magaling na artista si John, kahit ano’ng role, kaya niyang gampanan nang buong husay. “Gusto kong gumanap sa gay role sa pelikula, maka-kissing scene sina Piolo Pascual, Jericho Rosales and John Lloyd Cruz. Ang suwerte ko naman!” Birong-totoo na sabi niya.

Nagkaroon tuloy ng idea si Direk Ronald Carballo na isama siya sa cast ng bago nitang indie film na Pikit Mata. Baklang maton ang papel na gagampanan dito ni John. “Kung kailangang mag-T-back ako sa harap ng salamin, gagawin ko. Very challenging yata ang role ng isang bakla, lalo na kung hindi ka talaga bading,” wika niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Lovi Poe, tinalakan ni Direk Joel!

  1. Kudos to Joel Lamangan for trying to instill the value of professionalism na walang sinasanto. Starlet pa lang umiiral na ang pagkawalang konsiderasyon sa iba. Kelangang matuto ang lahat ng disiplina at pagbibigay halaga sa oras ng kasamahan mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.