Lovi Poe, takot mag-level up ang friendship nila ni Rocco Nacino

IKATLONG PAGSASAMA na nina Lovi Poe at Rocco Nacino sa bagong primetime series ng GMA-7 na Sa Akin Pa Rin Ang Bukas. Bukod dito, sa pinagbibidahang docu-drama ng aktres sa GMA News TV 11 na Titser, sa huling bahagi ng istorya nito ay magtatagpo ang character niya at ni Rocco na gumanap bilang mayor sa naunang docu-drama na Bayan Ko, at magkakaroon ng love angle sa kanila.

Hindi naman daw nauumay si Lovi na laging si Rocco ang nagiging leading man niya sa kanyang mga proyekto sa Kapuso Network.

“I enjoy his company. More than anything else,” aniya. “Kaya I’m thankful na katrabaho ko siya. And of course, ang importante naman sa aming dalawa ay ‘yong pagkakaibigan namin. We’re both comfortable with each other. Na we’re like bestfriends. Na we can share everything… or anything sa isa’t isa.”

Ano kaya ang nakapipigil para mauwi sa ligawan ang closeness nila gaya ng nangyayari sa iba pang artistang laging nagkakapareha?

“I don’t know, eh,” nangiting reaksiyon ni Lovi. “Basta for me now, I’m enjoying what we have as friends.”

Pero possible bang magkaroon sila ng romantic involvement kalaunan?

“I don’t know. Hindi ko naman isinasara. Pero gano’n nga kami ka-close na nakakatakot ito na mawala.”

Feeling ba niya, maaapektuhan o mawawala ang kanilang closeness kung liligawan siya ni Rocco?

“I don’t know. Maybe. I don’t know, eh. Honestly, that’s how I feel. Nakakatakot kapag napunta sa ibang level ‘yong friendship naming dalawa.”

Sa maikling panahon pa lang na lumipas since she started her showbiz career, madaling nagkaroon ng tatak si Lovi bilang isang bagong sibol na de kalibreng dramatic actress. Ilang acting awards na rin ang nasungkit niya.

Sa kanyang ganitong estado ngayon, masasabi bang rewarding na isina-isantabi muna niya ang lovelife at nag-focus na lang muna sa trabaho?

“Uhm… okey lang siguro. There are some things or aspects in your life that you have to focus on. Siguro kung gaano man kaganda ‘yong nangyayari ngayon sa career ko na blangko naman sa lovelife, okey lang ‘yon. Masaya naman ako, eh!” sabay ngiti niya ulit.

Takot ba siya na baka masira lang ng lovelife ang magandang takbo ng career niya ngayon?

“Hindi naman. It’s just that ano… kumbaga hindi ko na napapansin ‘yong pagiging loveless ko.”

Kahit may mga guys na umaaligid at nagbabakasakaling mapansin at bigyan niya ng chance na maligawan siya?

“Wala. Hindi talaga ako ligawin.”

Parang wala namang maniniwala na hindi siya ligawin. Dahil sa ngayon, kabilang din siya sa itinuturing na bagong henerasyon ng mga pinakamagagandang aktres ng Philipinne Cinema.

“Wala talaga. Wala akong manliligaw sa ngayon.”

Hindi kaya dahil may nakabakod sa kanya kaya walang magtangkang manligaw? Na nandiyan lang din lagi ang ex-boyfriend niyang si Ronald Singson? Nagpaparamdam pa nga ba ito ng interes na makipagbalikan sa kanya?

“No!” nangiting sambit ni Lovi. “Ano lang ako ngayon… I’m focused with work. Iyon na ‘yong gusto kong unahin. And actually I’m very busy. Monday hanggang Saturday ang tapings ko,” para sa dalawang shows niyang Titser at Sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

“And I have Sunday All Stars pa. Hindi ko na talaga maisisingit pa ‘yong lovelife. So ‘yong natitira kong oras, para sa sarili ko na lang, sa pamilya ko. At saka sa mga kaibigan ko,” sabi pa ni Lovi.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Lovi Poe, takot mag-level up ang friendship nila ni Rocco Nacino

Leave a Reply

Your email address will not be published.