Lovi Poe, sinaktan ni Jolo Revilla kaya nakipaghiwalay?! – Archie de Calma

NGAYON LANG NASABI ni Lovi Poe na nasaktan siya sa mga kung anu-anong parinig at sinabi ni Rosanna Roces sa kanya noong nasasangkot pa si Lovi sa buhay ni Jolo Revilla. Opisyal na nga ang statements nilang kanya-kanya na muna sila, at mukhang mas nagwo-work favorably ito sa kanila ni Jolo na umaalagwa sa ngayon ang kanya-kanyang career.

Mabuti na lang at nasa tamang sensibilidad niya si Lovi na kahit nasasaktan na siya sa mga nakakalokang salita ni Osang, hindi na lang niya ito pinatulan.

Kinukulit si Lovi ng press kung ang pakikialam diumano ni Osang sa mga isyu sa kanila ni Jolo ay nakagulo sa set-up nila at naging isa sa mga dahilan ng tuluyang paghihiwalay nila. Halatang umiiwas si Lovi na sagutin ang anggulong ito, pero nakikita naman na ang pinagsama-samang kaguluhan sa buhay nila ni Jolo, at ang pakikialam ng kung sinu-sino, ayon pa kay Lovi, ay nakaapekto talaga sa situwasyon nila.

Kumakalat ang chikang may pagkakataong sinaktan diumano physically ni Jolo si Lovi sa isang bar at ‘yun ang sukdulan ng kaganapan para magising daw sa katotohanan ang dalaga para hiwalayan ang aktor. Tikom ang bibig ni Lovi sa paliwanag sa isyung ito at ang makahulugang sabi lang niya, she wishes Jolo all the luck, lalo na’t bumobongga naman ang career nito sa TV via Pepeng Agimat sa ABS-CBN.

Meanwhile, hinihintay ang pamumukadkad ni Lovi sa Sagrado Pamilya na magsisilbing launching movie niya, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

LAGANAP ANG SINGING stars na dumalo sa press launch ng Kaya Natin Ito sa Annabel’s Morato kamakailan at isa si Christian Bautista sa mga nakikiisa sa fund-raising show na ito, magaganap sa  December 5, sa SM Mall of Asia.

Itinanggi naman ni Christian na shoulder to cry on siya ngayon ng ex-GF na si Rachelle Ann Go. Bagama’t nag-uusap sila at may naise-share si Rachelle kay Christian tungkol sa break-up ng dalaga kay Gab Valenciano, hindi raw totoong nagpapayo siya ng kung anu-ano kay Rachelle. Naroroon lang daw siya sa tabi nito to listen.

Sabi ni Christian, nananatiling maganda ang pagkakaibigan nila ni Rachelle, pero hindi ito nangangahulugan na may pagkakataon na silang magkabalikan. Wala raw sa isip niya ito.

Hi and hello lang halos ang namamagitan kina Christian at Gab sa tuwing nagkikita sila sa ASAP ‘09. Ang ka-close daw ni Gab ay ang mga dancer sa show gaya nina Mickey Perz, John Prats, at iba pa. Samantalang mga singer ang kagrupo ni Christian na nagsasama-sama sa isang dressing room, mga co-”Champions” niya kumbaga.

Kaya wala rin siyang masasabi tungkol sa kung anumang pag-uusap mayroon sa kanila ni Gab about Rachelle dahil walang pagkakataon. Hindi madali sa situwasyon, o sadyang naniniwala si Christian na hindi na kailangan dahil wala naman siyang kinalaman sa break-up ng dalawa.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

2 thoughts on “Lovi Poe, sinaktan ni Jolo Revilla kaya nakipaghiwalay?! – Archie de Calma

  1. If there is truth to the rumor that Jolo Revilla physically laid a hand on Lovi, then she did the wise thing and got out of that relationship early. Jolo is not the perfect gentleman if that is the case. Melissa Ricks and any other woman should beware. The Revillas are pigs. They have no regard for the feelings of their partners. Ginagawang “Harem” ang mga kababaihan. Ginagawa rin ba nilang “Punching Bag” ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.