Lovi Poe replaces Saab Magalona in Lipgloss?

SA PAGPASOK NI Lovi Poe sa 4th season ng Lipgloss ng TV-5, marami ang nag-isip na malamang siya na ang pumalit sa nilisang puwesto ni Saab Magalona sa nasabing palabas.

Pero nalinaw naman ito sa presscon, na totally different character as Princess Ava (from Dubai) ang role ng dalaga.

Base sa narinig naming paliwanag ng staff sa pagkawala ni Saab sa nasabing palabas, tila naging pasaway ang dalaga ng mga Magalona, na sa simula pa lang naman daw eh, na-reprimand na. Gaya ng pagbabawal sa pagdalaw ng boyfriend na ilang beses nitong sinuway, pero inintindi pa rin daw ito ng staff. Naiparating naman daw ito sa Mommy Pia ni Saab, pero that time nga, meron din naman daw palang personal na problema ang mag-ina.

That night lang nalaman ni Lovi na bawal ang magpadalaw sa set ng kanilang taping. May nagsabi kasi na minsan nang nadaan sa taping nila si Jolo Revilla. Pero nilinaw agad ni Lovi na meron lang itong inihatid sa kanya at mga kasama niya sa taping at hindi naman daw nagtagal.

Pero ngayong alam na niya ang mga bawal at mga rules na dapat na sundin, hindi niya raw ‘yun iwawaglit sa isipan niya.

by Pilar Mateo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.