Lovi Poe, pursigidong kunin ng Singko?!

TOTOO NA kaya itong kumakalat na isyung bukod kay Ogie Alcasid, pati raw si Lovi Poe ay lilipat na rin sa TV5?

Wala pa silang sinasabing kumpirmasyon, dahil hindi rin nagsasalita si Ogie tungkol dito.

Pero ayon sa mga kumakalat na tsismis, tuluy na tuloy na raw talaga, at hindi na pinigilan ng GMA-7.

Pero ang latest ngayon, pati nga raw si Lovi ay inaayos na rin ang paglipat niya sa TV5.

Tapos na kasi ang kontrata nito sa GMA-7, at inaayos na sana ang renewal.

Pero mukhang pursigido raw ang Kapatid Network na kunin ito kaya bongga raw ang offer.

Malamang mahirap tanggihan ang offer kaya nagkakaproblema raw ngayon ang Love and Lies na bagong drama series ni Richard Gutierrez dahil si Lovi dapat ang leading lady niya rito.

Kaya hindi natuluy-tuloy ang story conference at pictorial dahil hindi pa raw sure kung si Lovi pa rin ba ang leading lady.

Ngayon, ang latest na narinig ko, si Sam Pinto na raw ang napiling leading lady ni Richard.

Nakausap ng Startalk staff namin ang head ng ETV na si Lilybeth Rasonable, wala pa siyang kinumpirma kung sino na nga ang ipapalit kay Lovi.

Hindi naman niya sinabing hindi na nga tuloy si Lovi. Basta sa ngayon daw ay wala pang napagdesisyunan kung sino na talaga ang leading lady ni Richard sa Love and Lies.

Hay, naku! Sa totoo lang, parang unfair din sa GMA-7, ‘di ba? Sila ang namuhunan at nagtiyagang makilala ang mga ganitong artista. Pagkatapos silang napasikat, iwanan na lang nila o kaya magpresyo na nang bonggang-bongga. Meron pa riyan nagdi-demand na kailangan namang sundin ng network para hindi lang lumayas. Bongga, ‘di ba?

 

NALOKA SI Mark Anthony Fernandez sa akin nang sinita ko siya kung bakit hindi ito pumunta sa birthday ng Papa niya sa Heritage Memorial Park nu’ng nakaraang March 3.

Nagpamisa kasi si Lorna Tolentino sa Heritage nu’ng hapong ‘yun at nagpamer-yenda lang pagkatapos.

Nu’ng mag-guest si Mark sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, tinanong ko siya kung pumunta ba ito sa Papa niya nu’ng birthday nito.

Sabi niya pumunta raw siya ala-una ng madaling-araw.

Ganun yata ‘yan si Mark, hindi sumasabay sa karamihan. Gusto niya siya lang mag-isa para ma-solo niya ang Papa niya.

Iba kasi ‘yang si Mark, mas gusto niyang mag-isa lang siya na nagdadalamhati sa Papa niya.

Alam ko hanggang ngayon apektado pa rin ‘yan talaga at miss na miss na niya ang Papa niya.

Kaya mas gusto niyang pumunta sa Heritage sa alanganin oras at mag-isa lang siya.

Mabuti nga ngayon maayos na siyang nagtatrabaho, dahil wala raw itong kaproble-problema sa taping ng drama series niyang Bukod Kang Pinagpala.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Lovi Poe, pursigidong kunin ng Singko?!

  1. Condolence na lang to Lovi n Ogie. Bongga nga ng magiging tf nila sa tv5, ang malaking question dyan may mga audience ba ang tv5. Olats na olats nga sa rating eh tapos wala nmn commercials na pumapasok kung meron man pagaari ni ni MVP hahahhahah. Sikat na kayo lovi n ogie pag sa tv5 kayo lumipat sowi magiging fallen star kayo. Ano ba nangyari kay sharon aga jc de vera, nadine, willie. Dava c LT, bumalik sa GMA. 

  2. AKALA KO BA SA ABS LILIPAT SI LOVI? DI BA NAPABALITA NA YAN NOON? HMMM… BAKA PAG SA TV5 SIYA LUMIPAT LALONG MAWALAN NG CAREER ANG HITAD, GAYA NI NADINE SAMONTE AT ARCI MUNOZ HAHAHA!

    • TOTOO DAW. 

      It was posted on KAPAMILYA GOLD FACEBOOK PAGE na lilipat si LOVI sa ABS. Sya daw ang gaganap na VALENTINA sa nalalapit na bagong teleserye na DARNA nang ABS CBN. Sana matuloy! 

  3. Grabeee pala sa Dilson  theater sa may recto may mga Korean apat sila na nag pa suck ng mga 
    dick nila sa mga bi sexual pinoys. I was there last saturday. All Koreans are super gwapo their ages are 18 -23, they also have long dicks. Game pala sila, even the pinoy bisexuals are good looking too.

    • NAKU, MAPUNTAHAN NGA YAN AT BAKA MAKABINGWIT DIN AKO NG KOREANO HAHAHAHA! INGAT LANG AT BAKA MA-RAID YAN AFRAID!

  4. tamma nanay lolit! Unfair nga nman sa isang network na pgkatapos nilang pasikatin ang isang artista, isang malaking offer lng, iiwanan na kaagad sila! Ganyan yun mga walang utang na loob! okey lang sna if wala na silang career talaga. e ayan at nag aalagwa pa! Hayzzt. Pera-pera n lng talaaga! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.