Lovi Poe, pinag-iinitan ni Marian Rivera?!

SI LOVI POE naman daw ngayon ang pinag-iinitan ni Marian Rivera.

Hindi raw nagustuhan ni Marian ang pakikipag-co-star ni Lovi kay Heart Evangelista. Magkasama kasi ang dalawa sa isang soap opera ng GMA-7. Feeling yata ni Marian, she was betrayed as a friend, kasi tinanggap ni Lovi ang role sa soap na kasama si Heart. Ayun, sumama raw ang loob ng dyowa ni Dingdong Dantes.

Should this be true, aba, hindi pa yata nakaka-move on itong si Marian sa away nila ni Heart. Ano ba namang klaseng artista ito. Ano ba ang gusto niya, lahat ng offer ni Lovi na kasama si Heart ay ayawan niya. Ano siya, sinusuwerte. Mukhang hindi pa talaga nagbabago ang babaeng ito. Magtigil nga siya, ‘no!

TOTOO BANG KINUKUMBINSI ni Mariel Rodriguez ang asawang si Robin Padilla na lumipat na rin sa TV5?

Kaya lang, hindi ito posible sa ngayon dahil nakakontrata pa si Binoe sa Dos. Mga dalawang taon pa raw ang pinirmahang kontrata ni Binoe sa Kapamilya Network kaya naman hindi niya ito basta-basta maiiwan.

HINDI NATULOY ANG pagpapakasal nina Cristina Decena at Ariel Villasanta sa US pagkatapos ng laban  ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez.

“Kasi ‘yung passport ni Ariel, ‘yung kanyang visa, ‘di ba na-Ondoy? Ipina-check ko kasi kung hindi mae-A-to-A siya. Inaayos naming ang visa niya. Na-Ondoy ang visa niya so naging blurred ang mukha niya. Sa Las Vegas kami dapat magpapakasal,” kuwento ni Cristina sa marathon screening and fans day ng Mommy Elvie @ 18 show sa SM Megamall Cinema 7 kamakailan.

All out ang support ni Cristina sa mother ni Ariel na si Mommy Elvie.

“Isa sa mga wish ni mommy na mailagay siya sa malaking screen. Ito ‘yung pagtatapos ng second season. Ang third season naman ay ‘yung advocacy ni Mommy Elvie.”

Nagkatampuhan pala ang magdyowa kamakailan pero bati na rin sila.

“Sobrang busy. Laging kaming pagod, so minsan nakakalimutan naming maglambingan,” paliwanag ni Cristina tungkol sa tampuhan nilang tumagal ng limang araw.

“Pumunta ako ng Hong Kong. Nag-check out siya nang mag-isa kasi nasa Hong Kong ako. Nag-usap kami at nagkaintindihan naman kami. Hindi naman muntik maghiwalay. Nagtampuhan lang. Kasi hindi niya ako pinapansin noong nasa ospital siya. Ayaw magpaalaga. Mabaho raw siya. Hindi siya naliligo. Napikon ako.”

“Sabi niya, ayaw raw niya ang lahat ng ka-rangyaan, eh, ‘di tinanggal ko lahat ‘yon. Tinanggal ko ang kotse. Kasi ang tao kapag nawala sa ‘yo doon mo lang mare-realize ang kahalagahan niya.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJericho Rosales, lilipat na rin sa Singko?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 147 November 25 – 27, 2011 Out Now!

No posts to display