Lovi Poe, patuloy ang pagtangging nagkabalikan na sila ni Ronald Singson

MUKHANG MALABO na talagang magkabalikan ang dating mag-dyowang sina Lovi Poe at Ronald Singson, dahil sa bibig mismo ni Lovi Poe nanggaling na single siya ngayon at masaya. Mas priority raw ngayon ni Lovi ang kanyang career kaysa buhay pag-ibig.

Inamin din nito na totoong nag-walk out siya nang biglang sumulpot sa kanyang birthday celeberation sa Party Pilipinas ang ex-BF nitong si Ronald Singson para batiin siya sa kanyang kaarawan.

“I appreciate the gesture and it was sweet of him, but I was caught off-guard and I was really surprised. The staff apologized to Tito Leo Dominguez. But we’re not together, focused ako sa work ko ngayon,” sabi ni Lovi.

Tsika pa ni Lovi wala naman daw rason para iwan niya ang Party Pilipinas, dahil lang sa nasabing pangyayari .

“I love the show and the staff and I know they just wanted to surprise me and their intentions were good. I’m not holding anything against them,” pagtatapos ni Lovi.

 

MASAYA ANG tween star na si Rhen Escaño dahil bukod sa kanyang dalawang regular show, ang Tween Hearts, at teen co-host ni Kuya Germs “German” Moreno sa Walang Tulugan With The Mastershowman, ay ka-join na rin ito sa pinagbibidahang palabas ni Kylie Padilla ang The Good Daughter.

Isa si Rhen sa magiging kontrabida sa nasabing palabas na sisiw na sisiw naman sa makinis at magandang Kapuso Young star, dahil mostly nga naman ang napupunta sa kanyang role ay kontrabida, kaya gamay na gamay na nito ang pagtataray at pang-aapi sa mga bida ng soap na kasama siya.

Hindi rin nga raw ito natatakot na ma-identify na kontrabida, dahil mas natsa-challenge nga raw siya sa pagkokontrabida at ang mahalaga raw ay may trabaho siya. Pero umaasa pa rin daw ito na mabibigyan din siya ng bida/kontrabida role sa bakuran ng GMA-7 sa tamang panahon.

AFTER MAGTAPOS ang kanyang dalawang show, ang Bagets at Glamorosa, ready na raw tumanggap ng medyo matured at daring role ang isa sa may magandang mukha sa showbiz na si Meg Imperial.

At 19, gusto raw ni Meg na mabigyan ng matured role na magpapakita ng kanyang galing sa pag-arte. Pero hindi raw kasama sa kanyang plano this year ang pagpo-pose ng sexy sa mga men’s magazine like FHM, dahil hindi pa raw siya handa emotionally. Pero hindi naman daw niya sinasarado ang opportunity na makapag-pose sa nasabing men’s mag. May tamang oras daw at panahon para rooon. Sa ngayon daw, ang pagpapaseksi sa kasuotan lang daw ang kaya niyang gawin sa kanyang mga soap.

 

FIRST TIME nakapunta ang 2012 Olive-C Campus Model grand winners na sina Rohama Rearte at Aljohn Lucas sa Queen City of the South para makiisa sa annual tradeshow ng Bayan Productions’ “Kabuhayang Swak na Swak” na idinaos sa SM Cebu City, sa tulong ng Creworks Asia at Psalmstre Enterprises, Inc.

Ayon kay Sir Jim Acosta ng Psalmstre, parte ng responsibilidad ng bagong Olive-C Campus Models ang pagsama sa marketing and special events para mai-promote ang nasabing produkto.

“Umpisa na po ito ng aming Olive-C 2012 Promo Tour na layuning ipakilala ang maganda at epektibong dulot ng Olive-C sa kutis ng mga kabataan at maipakilala na rin ang bagong endorsers at campus models sa publiko,” say ni Sir Jim.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

10 thoughts on “Lovi Poe, patuloy ang pagtangging nagkabalikan na sila ni Ronald Singson

  1. to all friends followers spread this page make it 1 million like if you want god will end POVERTY,WAR,FEMINEN,HUNGER,CRIME,DISIESE,CALAMITY,DISASTER,DEATH check my facebook site Nostra Followers

  2. in fairness ang ganda ng pagkagawa ng Legacy…Congrats nga pala kay betong for winning survivor double celebrity…C KC ang nagpanalo kay Betong…C KC din ang nagbigay ng car kay maey…Galing mo KC…ikaw ang dahilan upang magbago at mapaganda ang buhay ng dalawang ito…=)
    God bless!

  3. hahaha tama ka jan ogie! ka-bang-awan lang pinagsasabi nyan ni nostra, hoy nostra pagpatuly mu nalang yang pagsinghot mo ng katol at baka sakaling matauhan ka pa! 

  4. social climber talaga itong lovi na toh! feeling social! magtagalog ka nga! itsurang jologs ka naman eh pilit mong pinapasosyal ang sarili mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.