Lovi Poe, naudlot ang pag-alis sa Siyete!

BALITANG HINDI na raw tuloy ang pag-aalsa-balutan ni Lovi Poe sa GMA-7 dahil may bago na itong proyekto sa Kapuso Network at ito ay ang malaking serye na pagbibidahan nila ni Richard Gutierrez na malapit nang umpisahan.

At kahit nga tikom ang bibig ni Lovi everytime na matatanong tungkol sa kanyang paglipat sa TV5, marami ang nagsabing kung hindi naagapan ng GMA-7 ay baka tuluyan na ngang nawala ang isa sa mahusay na aktres ng GMA-7.

Pareho kasi ng manager si Lovi at Ogie Alcasid na matunog din ang balitang after mag-expire ng kontrata nito sa GMA-7 ay lilipat na ito sa TV5. Kaya naman nang mapabalita na bitbit ni Ogie si Lovi sa paglipat sa Singko ay marami ang naniwalang puwede ngang mangyari ito.

 

HINDI NA mapipigilan pa ang pagsikat ng 33rd People’s Choice Awardee for Phenomenal Internet Sensation/Most Promising Boy Band at tinaguriang ‘One Direction’ ng Pilipinas, ang UPGRADE na binubuo nina  Rhem Enjavi, Mark Baracael, Ron Galang, Raymond Tay , Armond Bernas , Miggy San Pablo at Kcee Martinez ang leader ng grupo sa dami ng achievements na nakukuha nila lately.

Dahil bukod sa award na nakuha nila, ginawaran din sila ng GMA-7’s Unang Hirit bilang UH Morning Star bilang Trending Cuties dahil na rin sa kasikatan ng mga ito sa Internet (Facebook at Twitter), kung saan lagi silang trending almost everyday.

Dahil na rin sa pagsikat sa Internet, marami na rin ang kukuha sa kanilang serbisyo para mag-guest sa iba’t ibang TV shows like IJuander kung saan dalawang beses na silang nagkapag-guest, The  Tim Yap Show, atbp, at sa iba’t ibang dadio shows sa DZBB 594 at sa LSFM.

Dagdag pa dito ang kanilang paglibot sa iba’t ibang eskuwelahan at malls kung saan lahat ng kanilang pinupuntahan ay talaga naming dinudumog sila ng kanilang mga tagahanga.

Bukod sa dami ng shows na dumarating sa kanila, kinuha na rin sila ng iba’t ibang produkto para mag-enderso, katulad ng Mario ‘D Boro Shoes, Hammerhead Apparel at Artista Salon. Regular din silang napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman tuwing Sabado ng 11:30pm, kung saan sila ni-launch last November 2011.

 

NAKATAKDANG UMIKOT sa Metro Manila ang bagong product endorser ng Psalmstre New Placenta na si Stephany Stefanowitz, 2012 Miss Earth-Air, upang dalawin ang mga tindahan ng Mercury Drug, Watsons, Puregold at Robinsons. Kasama ang ilang marketing staffs ng Psalmstre at Carousel Productions, mamimigay si Ms. Stephany ng libreng soap samples, posters at mga pamaypay.

Magkakaroon din ng autograph signing at picture-taking sa mga bibili ng New Placenta sa aktuwal na pagbisita. Ang proyektong ito ay bahagi ng pagpapakilala ng Psalmstre sa bago nitong product formulation na may Advanced Placenta-Care Formula na garantisadong epektibo sa pagpapaputi at pagpapakinis ng kutis.

Para sa mga schedules ng nasabing store visits at iba pang mga detalye, tumawag lamang sa telepono bilang 715-2500 o mag-text sa 0919-8076492.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

11 thoughts on “Lovi Poe, naudlot ang pag-alis sa Siyete!

  1. kahit naman magsilipat lahat sa dami ng nagkakandarapa maging artista di ba? marami rin ang papalit nowadays ang career sandali na lang kaya kung ano meron ka pagyamanin mo, pero yung iba naman kasi nagpapataas lang ng presyo.

      • AY MAY SENSE NAMAN SYA TEH. NAME NYA PA LANG MAY SENSE NA. O DI BA? PERO KASI, MEDYO NAGTITIPID YATA SI ATE SA PUNCTUATION MARKS KAYA NAKAKALITO. HAHAHAHA. ITO ANG SABI Ni ATE:

        “Kahit naman magsilipat lahat, sa dami ng nagkakandarapa maging artista, di ba? Marami rin ang papalit.  Nowadays, ang career sandali na lang. Kaya kung ano meron ka, pagyamanin mo. Pero yung iba naman kasi, nagpapataas lang ng presyo.”

        TAMA BA? HIHIHI

  2. Ang habol lang ni ogie at lovi sa tv5 is malaking offer. But if I were this two, better stay na lang sa GMA. Laki nga ng kikitain mo sa tv5 , but ang big question, may audience ba cla? Wala nmn nanonood sa tv5 eh. Masasayng lang ang talent nila dun.  Pero kung mukhang salapi cla, eh kesehodang walang audience bsta malaki ang sasahurin nila.

    • Luging lugi na nga cla dahil bukod sa olt na olats sa rating, ala pang napasok na commercial, kung meron man very very limited lang. 

      • AY DI PAKAKAWALAN NG GMA SI LOVI. ASSET NILA YAN DAHIL SA MGA TALENTS NILA, YAN LANG ANG NAPAPANSIN MADALAS NG MGA AWARD GIVING BODIES. AT NAG RED CARPET PA SA CANNES, DE VAH? NAG COUNTER OFFER NA SI ATTY GOZON.

Leave a Reply

Your email address will not be published.