Lovi Poe, may buwelta kay Rosanna Roces by Cristy Fermin

SA LAHAT NG mga patutsada at pagbabanta ni Rosanna Roces kay Lovi Poe na walang kamalak-malak (kolokyal na termino sa Nueva Ecija na ang ibig sabihi’y walang kamalay-malay) sa isyung kinapapalooban ng kontrobersiyal na aktres at ng young action star na si Jolo Revilla, napakaganda ng isinagot ng dalaga.

“She’s not worth my time. Her opinion about me doesn’t matter to me at all. She’s one of the persons I don’t wanna keep with me for life,” pahayag ng batang aktres na nagsabing nirerespeto pa rin niya si Osang, kahit pa hindi siya nirerespeto nito.

Napakalinis naman kasi ng mga kamay ni Lovi sa usaping pinaglalabanan nina Osang at Jolo tungkol sa wala ring kamuwang-muwang na si Gab.

Ano ba naman kasi ang kinalaman ni Lovi sa ipinagmamarakulyo ni Osang na dapat nang isauli sa kanya ni Jolo ang kanyang apo? Nagkataon lang na karelasyon ng manugang na hilaw ni Osang si Lovi, pero wala namang kinalaman sa kanilang problema ang dalaga, kaya bakit nito pagbabantaan si Lovi na ingungudngod sa taping nila kapag napuno ito?

Ano ba naman ang akala ni Osang kay Lovi, puwede na lang basta-basta ingudngod? Wala ba namang pamilyang nagmamalasakit sa dalaga para pabayaan na lang ng mga ito na saktan ni Osang ang batang aktres?

Saka bakit kasi idadamay sa isyu ang isang taong wala namang kinalaman sa kanyang ipinagtutungayaw? Nakikialam ba si Lovi sa hindi pagbabalik ni Jolo kay Gab sa kanyang poder?

Nagkataon lang na karelasyon ni Lovi Poe si Jolo na dati namang karelasyon ni Grace Adriano na anak ni Osang at ama ng kanyang apo. Hanggang du’n lang ang kuwento, tapos na.

Pero maganda ang sagot ni Lovi Poe kay Osang, makahulugan, pero marespeto. Sarkastiko, pero may pinairal pa ring paggalang ang dalaga, du’n natin mapagkukumpara ang mga tao kung may breeding o wala.

Hindi direktang isinagot ni Lovi ang tanong ng mga manunulat. Pero meron siyang posisyon, hindi siya apektado sa mga pinagsasasabi ni Osang at sayang lang ang kanyang panahon sa pagpatol sa palengkerang aktres.

KUNG BAKIT NAMAN kasi pati si Lovi Poe ay pinuntirya na rin ni Osang? Ano ba ang mapapala niya kung pati ang batang aktres ay idamay niya na sa kanilang gulo ng mga Revilla?

Wala lang, ang saktan lang si Jolo dahil si Lovi ang mahal nito ngayon. Ganu’n lang ba ang dahilan ng kanyang mga ginagawa ngayon?

Sa halip na awayin ni Osang si Lovi, mas maganda kung makikipag-usap na lang siya nang maayos sa ama ng kanyang apo. Ipaliwanag niya na lang ang sobrang pagka-miss niya kay Budoy. Tutal naman, hindi inaangkin ng mga Revilla ang bata kundi pinagmamalasakitan lang dahil may mahabang proseso ng gamutan na kailangang gawin kay Gab sa pagkakaroon ng mahinang pulmon.

Pero sa halip na ganu’n ang gawin, nagpainterbyu agad si Osang, pinagbantaan niya agad si Jolo at binigyan pa ng taning. Kapag hindi raw agad ibinalik sa kanya ni Jolo si Budoy, kakasuhan nila ang young action star.

Hanggang ngayon, napakahilig sa duruan ni Osang. Kung makalulusot siya ay okey, kundi naman ay pasensiya, ganu’n ang palagi niyang pinaiiral.

Pero nagkamali siya ngayon ng duduruin. Kung dati’y pinalalampas lang ng mga Revilla ang kanyang mga ginagawa, ngayon ay handa nang makipagtuos sa kanya ang pamilya sa kahit saang lugar na gusto niya.

Korte ang ipinananakot ni Osang kay Jolo, korte rin ang pag-asa ng mga Revilla para magkaalaman na kung may karapatan ba si Osang na duru-duruin at pagbantaan si Jolo.

Sabi nga ng mga nakakausap namin na nakabasa sa Facebook ni Osang, “Ako man si Jolo, hindi ko na ibabalik si Gab sa isang lola na nagtuturong mangarat sa apo niya!

“Anong kagandahang-asal ang maituturo niya sa bata? Hindi siya capable,” pahayag ng mga nagmimiron sa kontrobersiyang ito.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

6 thoughts on “Lovi Poe, may buwelta kay Rosanna Roces by Cristy Fermin

  1. nag aadik na nman sguro si osang..at bka wla na mapambili dhil wala ng sustento gling sa revillas dhil wala nsa sa knya si budoy…pg wala ang nanay my karapatan ang tatay na kunin ang bata khit ndi kasal lalo na kng walang trabaho ang nanay…ndi porket wala png 7 yrs old e ndi na pedeng kunin ng tatay mag aral nga ka mna ng laws bgo ka umepal osang………

  2. Chaka ng mukha nitong babaeng ito. At ang kapal ng makeup, parang tinapal sa mukha niya. Paano nga ito naging artista ulit?

  3. nag-iingay lang yan dahil sobrang laos na siya at wala ng pumapansin sa kanya. cristy, pakisabi kay osang na makabubuti sa kanya ang mag-stay na lang sa kanyang bahay at maglinis na lang siya ng kanyang looban.

  4. maswerte si osang at hindi ako si lovi dahil hindi siya uubra sa akin – manghihiram siya ng mukha sa aso kung ako ang makakalaban niya. baka sakaling sa akin siya tumino. ang ayaw ko sa lahat ay ung tinatapak-tapakan ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published.