Lovi Poe, makikipagbanggaan kay Susan Roces!

HINDI NA maiiwasan magtapat ang mga drama series ni Susan Roces at ng kanyang stepdaughter na si Lovi Poe. Lead at important ang role ni Ms. Susan sa Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN at si Lovi naman ang lead actress sa Akin Pa Rin Ang Bukas ng GMA-7.

Ang drama series ni Lovi ang ipapalit sa magtatapos na serye nina Alden Richard at Louise delos Reyes na Mundo Mo`y Akin. So, magkakatapat ang mga timeslot ng drama series ni Lovi at ang primetime show ng kanyang Tita Susan. Kaya nang makausap ng ilang press si Lovi, hiningan ito ng reaction sa pagtatapat ng kanilang drama series.

“I have nothing to say. Good luck na lang sa akin,” natatawang pahayag ni Lovi.

“Anak sa pagkadalaga ang role ko, so maraming struggle sa buhay because of the experience. Let’s see. Baka marami, I think I will be able to draw some experiences, real life experiences sa character ko,” sagot naman ni Lovi sa tanong na parang true to life experience ang role niya.

Maganda pa sa teleserye ni Lovi, makakasama niya ang mga artista na hindi niya inaasahang makakasama na sina Helen Gamboa at Cesar Montano. Dati lang daw kasi niyang pinapanood ang mga ito. Tapos, ‘eto at makakasama pa niya sa isang teleserye na siya pa ang lead star.

Si Ms. Helen ang paboritong kapareha sa pelikula ng namayapang ama ni Lovi na si Fernando Poe Jr.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Lovi Poe, makikipagbanggaan kay Susan Roces!

  1. Hoy Ocampo ayus ayusin mo ang title ng column mo,, Mamaya kamo eh bumangon si FPJ sa hukay nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.