Lovi Poe, itinangging may third party sa break-up nila ni Jolo Revilla! – Eric Borromeo


PINABULAANAN AGAD NI Lovi Poe ang isyung may third party sa break-up nila ni Jolo Revilla. Lumabas naman dito sa Pinoy Parazzi na si Ronald Singson, anak ni Gov. Chavit Singson, ang constant date ngayon ng young actress.

“Walang third party. Nagtataka rin ako kung saan nanggaling ang balitang ‘yan. Nu’ng kami pa (ni Jolo), walang ganyang mga intriga. Bakit ngayong wala na kami, saka may intriga?” Tanong pa ng batang aktres nang makausap namin sa backstage ng Skydome after niyang mag-present para sa Star Awards for Music nu’ng Huwebes nang gabi.

Ano ba ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila?

“Siguro, time na rin. Busy kaming pareho masyado,” sagot ni Lovi.

“Saka may mga taong nakapaligid sa kanya na ayaw yata sa relasyon namin,” dagdag pa niya pero sa puntong ‘yon ay ayaw nang mag-elaborate pa ng batang aktres.

Nasaktan ba siya sa break-up nila ni Jolo?

“Siyempre, masakit. Matagal din naman kaming nagkasama. Hindi naman basta mawawala ‘yung pagmamahal, ‘di ba?” Aniya.

May posibilidad kayang magkabalikan pa sila?

“I’m not closing any doors. Pero mas maganda ngayon na mas nakapagko-concentrate kami sa mga trabaho namin,” sabi pa ni Lovi. “Masaya ako sa sitwasyon ko ngayon.”

Therapy na rin daw ang trabaho para sa batang aktres para maka-move on na sa ngayon ay marami siyang trabahong pinagkakaabalahan.

BINISITA NAMIN ANG taping ng Cignal TV cable show na Stop Talk and Listen nina Maui Taylor, Dolly Anne Carvajal, at Mr. Fu last Wednesday. Agad naming hiningan ng reaksiyon si Maui tungkol sa mga nude photos niyang nagkalat sa Internet. Ayon pa sa nagpakalat ng photos, personal collection nila ‘yon ng ex-boyfriend niyang si Bryan Revilla.

“Kung aaminin ko na ako ‘yon, anong mapapala ko?” sabi ni Maui. “Kung idedenay ko naman, ano rin ang mapapala ko? Actually, ‘yung mga ‘yon, lumabas ‘yan during nu’ng Hayden Kho sex video scandal pa. Pero hanggang ngayon, kinukulit pa rin ako ng mga talk shows tungkol d’yan. E, ba’t naman ako magpapainterbyu? Para ano?”

Pero inamin ni Maui na kabilang sa mga larawang ‘yon ay mga pictorial niya sa Maxim magazine. “Tapos hinaluan na lang nila ng kung anu-ano,” dagdag pa ng dating sexy star.

In fairness to Maui, medyo may katabaan ang babaeng nasa larawan at may kalakihan ang balakang. Petite naman si Maui at balingkinitan ang pangangatawan. At ang seksi-seksi niya talaga ngayon.

BLIND ITEM: BINAWASAN na ng young actor ang pagiging chain smoker. Hindi lang ito masama sa kalusugan niya, pati ang hygiene niya kasi ay apektado na rin. Sey ng production staff na nakasasalamuha ng ating bida, umaalingasaw na sa katawan nito ang amoy ng sigarilyo. Pati ang hininga ng young actor, para na raw nicotine na nalalanghap nila. Kaya tuloy may ilang young actresses na ang tumatangging makaeksena siya nang intimate. Lalung-lalo na kung hahawakan pa sila nito. Guwapo pa naman at sikat ngayon ang young actor.

by Eric Borromeo

Bore Me!
by Erik Borromeo

loading...

One thought on “Lovi Poe, itinangging may third party sa break-up nila ni Jolo Revilla! – Eric Borromeo

Leave a Reply

Your email address will not be published.