Lovi Poe, isang malaking ‘good luck’ ang paglipat sa Singko

ANG KUMPIRMADONG balitang hiwalay na sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda ay walang iniwan sa sinaing na hindi pa man naiinin ay sinandok na at inihain sa mesa. Resulta: hilaw.

Watching Louise on Startalk being interviewed by Butch Francisco was like putting the cart before the horse. Nauna kasi ang pag-amin ng aktres tungkol sa kanilang breakup ng nobyo, gayong wala naman silang inamin tungkol sa kanilang relasyon.

Louise could have earned the viewers’ empathy kung “niluto” muna ang kanilang real-life romance ni Enzo, sadly, walang pinanggagalingan si Louise, kung paanong hindi rin malinaw kung saan siya patutungo.

All that was clear though, walang third party sa kanilang hiwalayan. But who cared? Wala nga silang inamin, ‘no! So, why bother about their breakup?

Samantala, some people are saying otherwise. Lumitaw kasi ang pangalan ni Kim Rodriguez being the third party that triggered  the breakup.

Kagya’t naming kinuha ang panig ni Kim (love interest ni Enzo sa aabangang telefantasyang Kakambal ni Eliana).  Throught text, sinabi ni Kim na, “Ayoko po kasing makialam sa relasyon nila, saka wala naman pong nababanggit si Enzo sa akin. Puro trabaho po ang pinag-uusapan namin. Nandito lang naman kami kung may problema si Enzo. Sana magkaayos sila kasi sayang din naman ‘yung tagal ng pinagsamahan nila. Most of all, ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko.”

 

TO PILOT at a later date ang bagong soap ni Richard Gutierrez sa GMA for some reason, but what seems known — as talks have it — is his leading lady Lovi Poe’s already confirmed transfer to TV5.

All-systems-go na raw ang paglipat ni Lovi sa Kapatid Network, this considering that based on earlier reports, it was ABS-CBN which was in hot pursuit of the Kapuso actress. Ikinunsidera raw ng Kapamilya Network ang morena features ni  Lovi, na wala sa maraming female contract stars nito.

Lovi belongs to the stable of Leo Dominguez. Nauna rito, naging maugong ang paglipat ng isa pang alaga ni Leo, si Ogie Alcasid, sa TV5.

Now that Lovi will soon set foot on another network, iisa lang ang nakuha naming reaksiyon mula sa mga respetadong career strategists, “Good luck…!”

 

ISABELLE DAZA gets an introducing part in Star Cinema’s It Takes a Man and a Woman, kung saan she plays the off-and-on girlfriend of John Lloyd Cruz opposite Sarah Geronimo.

Hindi namin alam ang status ni Isabelle sa GMA where she did a number of hosting jobs. One thing’s clear though, in person ay ibang-iba siya from when she’s on camera. Mismong ang mga nakatrabaho kasi ni Isabelle sa dating kinaanibang network were one in saying that she had difficulty in delivering her spiels.

We also can’t help but compare her with her mother, former Miss Universe Gloria Diaz. While both of them are articulate, Gloria’s showbiz entry via Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa was one for the books, kumpara sa “introducing” part lang ng kanyang anak.

Anyway, Isabelle has words of admiration for Lloydie whom she describes as a “real gentleman”, no wonder, a lot of girls fall in love with him. Well, it takes more than guts for a woman to say that in front of a man, na alam naman nating lahat ay taken na.

 Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

13 thoughts on “Lovi Poe, isang malaking ‘good luck’ ang paglipat sa Singko

  1. sa ABS; walang morena sa mga features ng mga young actresses.

    sa TV5, walang aktres. (sa kahenerasyon ni Lovi)

  2. gud luck sa mga artista at director na pumapatay ng sarili nilang career,,look what happened to sharon,derek, aga to name a few, buti at nagising c ms l.t. kya balik 7 n naman cya,,all i can say is marami pa talagang paghihirapan ang 5 bago nila maabot at mapantayan ang estado ng 2 at 7,,kya mr ogie at ms lovi,,”esep esep ” ng mabuti,dahil ang pera pag nawala,napapalitan,,ang career pag nawala, mapupunta n lng sa kangkungan.

  3. As if naman bongga ang career ni Lovi sa Syete. Eh lahat ng ginawa niyang movies sa Regal e flops. Kasi tv hype lang siya sa Syete, wala bankability. Kung sa Dos siya, mapapataas nila ang star value ni Lovi at makakatikim ng hit movie sa Star Cinema.

      • Korek ka dyan!! Ang hirap dyan sa mga fantards ng Kapamilya network..masyadong mapanglait! Excuse me, pero anu ba ang nangyayari sa mga career ng mga lumipat sa Dos galing 7? Tama ka..si Iza Calzado..waley ang career, pati na rin si Carmina V. Wrong moves!

    • wrong choice si lovi ng network, sino bang sikat na artista ang sumikat sa tv 5 na galing sa ibang channel meron ba? mas accepted pa nga kung sa dos sya lumipat, kasi mas kilala sa pagpapalaki ng artista, ginagawa nilang bankable star ang mga starlet noon, kung sikat na mas lalo pa nila itong pinapasikat..like angel locsin bano nuon umarte ngayon nahihilera na sa mga beteran actress ang pangalan nya, si PAulo AVelino naging leading man na ang dating na dating supporting role na tulad din ni JAke CUenca noon,, SI mS> IZa CAlzado, mas naging mahusay na aktress, sa pag ganap ng mga episodes ng MMK, think 100 times LOvi, hindi lang naman pera pera yan eh….yung talent at versatility mo bilang artista, mas magiging big ang name mo sa dos as a lead star na pang primetime bida..sayang idol pa naman kita.

    • I agree, pero I don’t agree dun sa Flopy thing. Di naman lahat, come to think of it, parehas Agosto ipinalabas yung Guni-Guni ng Regal at The Reunion ng Star Cinema. Sa Guni-Guni di naman gaano kasikat yung mga cast, and halos solo-starrer lang na may kasamang leading man at supporting cast. Samantalang yung The Reunion bida yung mga naglalakihang pangalan sa Dos pero P68.1M lang ang kinita eh ang Guni-Guni kahit P55,234,567 lang ang kinita atleast 10 million lang ang budget eh ang The Reunion? See may home studio pa yan para ma-i-todo plug ah? At higit sa lahat mas matagal yung showing at mas maraming cinemas. See? Kahit sabihin mong MAJORITY ng Star Cinema BOX-OFFICE, may sumasablay pa rin :P

  4. NAKU MAWAWALAN LANG SIYA NG CAREER SA TV5 HAHA! SA ABS NA LANG SIYA PUMUNTA PARA MAS LALO SIYANG SUMIKAT… MALALAOS LANG SYA SA SINGKO TULAD NI NORA AT DEREK, YUNG KIDLAT NI DEREK HINDI NAMAN MASYADO NAGRERATE EH, HINDI NGA UMAAKYAT NG 2 DIGITS HAHA! SI NORA GINAWA LANG SUPPORT KINA VIN AT SOPHIE ALBERT, SI VIN MAGALING UMARTE PERO SI SOPHIE PARANG WALANG DATING HAHA!

  5. DEREK RAMSAY AND LOVI POE IN ONE TELESERYE…magandang combination what do you think? parehong moreno at morena…talagang pinagplanuhan ng KAPATID NETWORK yan…

  6. NAGPAKAPRAKTIKAL LANG SIGURO SI LOVI POE. I BET MALAKING HALAGA ANG INIHAIN SA KANYA NG TV5. EH KASI NGA NAMAN, KAHIT ANONG MGA ACTING AWARDS ANG KALADKARIN NYA SA GMA, HINDING HINDI SYA ANG MAGIGING REYNA DOON DAHIL TERITORYO NI MARIAN YON. EH YUNG MGA CONTRACT NA GANYAN, MGA 2 OR 3 YRS LANG USUALLY YAN. EH PURO EITHER INDIES OR FLOPS NAMAN ANG MGA MOVIES NI LOVI. SO, DI SYA SIGURO NATATAKOT NA MAWALA SA PANINGIN NG VIEWERS. SIGURO IN HER MIND, BASTA MAY TALENT, DI MAWAWALAN NG RAKET. BUT COME TO THINK OF IT, LOVI IS REALLY JUST ONE OF ‘EM GIRLS. DEVAH?

Leave a Reply

Your email address will not be published.