Lovi Poe, inspired kay Rocco Nacino

Lovi-Poe-Rocco-NacinoMASIGLA AT mukhang inspirado lagi si Lovi Poe lately. Madalas tuloy siyang biruin ng mga nakakausap na press people kung si Rocco Nacino ba ang dahilan.

“I’m very much inspired. I’m very happy with Akin Pa Rin Ang Bukas kasi dahil maganda ang response ng tao,” pagtukoy pa niya sa pinagbibidahang primetime series sa GMA 7 kung saan leading men niya sina Rocco Nacino at Cesar Montano.

“Mas nai-inspire ako ngayon na gawin ang trabaho ko. Lalo na medyo patapos na kami. So I’m very happy and thankful na marami ang sumusubaybay.”

Mas lumalalim pa ngang lalo ang closeness nila ni Rocco. Dahilan para isipin ng iba na nagkakamabutihan na sila.

“He’s a very good friend of mine. Everyone naman… anyone, or everything that’s around me, that’s keeping me positive… gives me so much inspiration.”

Hindi magiging malamig ang Pasko niya ngayon. Dahil kay Rocco? “Because of everyone. All of… my family. My real friends.”

Masaya na raw siya sa pagiging friends nila ng aktor sa ngayon. “Yeah! I’m very much focused sa trabaho. Hindi ko kailangan ang distractions ngayon.”

Palapit na ang Kapaskuhan. What are her plans this Holiday Season? “Stay here lang. Kasi dapat pupunta ako sa San Francisco to visit my sister. Pero nag-request siya na dito na lang mag-Pasko. Dahil nga missed na niya lahat ng mga kaibigan niya rito. So, dito na lang kami magpa-Pasko. Very simple celebration lang ng Christmas with my family na… Noche Buena, ganyan. ‘Yong… magluluto ang mom ko. Tapos kami naman, nag-aantay. Marami akong favorite sa mga niluluto ng mom ko. Isa na ‘yong caldereta.”

Will she be joining Rocco sa premiere night ng pelikula nitong San Pedro Calungsod: Batang Martir na isa sa entries ng Metro Manila Film Festival for this year?

“Hindi pa niya ako ini-invite. Pero nagsabi siya sa akin if I can be his date sa awards night ng MMFF. And okey lang naman sa akin. Of course. Oo naman. Kaibigan ko siya, eh. Kaya… of course. I’ll be there naman to support him.”

Marami ang nakapupuna na kapag magkasama sila ni Rocco, sobrang sweet nito sa kanya. “Super-sweet namang tao talaga siya. Isa ‘yon sa magandang qualities niya.”

Parang wala rin namang masyado silang time na lumabas ni Rocco. Pareho kasi silang busy sa kani-kanilang career.

“Oo. Kasi sunud-sunod ang working schedules namin. But we try to work out together once in a while. And siguro after ng Akin Pa Rin Ang Bukas, baka magkaroon na kami ng time talaga na mag-hang out o gumimik.”

This Christmas, ano kayang gift na gustung-gusto niya ang kanyang wish na matanggap? “Ako… anything naman. I’ll appreciate any gift. Pero something na… alam mong kahit hindi mahal basta alam mong pinag-isipan. Kahit na ano. ‘Yong alam mong… gustong-gusto ko talaga.”

For sure, may mga gift nang naibigay sa kanya si Rocco. Kasi matagal-tagal na rin naman ang closeness nila. “For this Christmas, wala. Pero recently, may ibinigay siya sa akin na CD ni… ‘yong favorite na favorite na singer kong si Sarah Beirelles na may signature. Sabi ko… aba, ang galing, ah!” sabay ngiti ni Lovi.

“And si Rocco, he always give good gifts, eh. The best gift. Like no’ng birthday ko, ‘yong Friends na TV series, ‘yong set no’n, inilagay niya ‘yong name ko roon. Tapos kinunan ng picture. Talagang pinag-iisipan. Hindi ‘yong… mahal lang. Or makapagbigay lang ng gift!”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Lovi Poe, inspired kay Rocco Nacino

Leave a Reply

Your email address will not be published.