Lovi Poe, inaming sila ni Jake Cuenca?!

BUMALIK NA rin sa pag-guest sa amin si Lovi Poe, ha!

Dati kasi nagalit si Leo Dominguez sa amin dahil sa binaba-blind item daw namin si Lovi.

Kaya lahat na mga alaga niya ‘di talaga pinapag-guest sa Startalk. Okay lang naman sa amin. Pero dapat namang mag-move on kaya, mabuti at nakapag-guest na uli si Lovi sa amin.

Kasi naman parang merong something na talaga sa kanila ni Rocco Nacino na consistent naman sila sa pagsagot na close friends lang daw talaga.

Naikuwento naman kasi sa akin na inamin naman daw ni Lovi kay Tim Yap na sila na raw ni Jake Cuenca. Pero wala pang kumpirmasyon, kaya tingnan na lang natin.

Abangan na lang din natin kung anong meron sa kanila ni Rocco dahil patapos na rin ang Yesterday’s Bride. Hindi kaya para lang sa drama series nila ‘yan? Naku! Si Rocco naman kasi kung kanino siya napa-partner, parang nililigawan niya. Buti na lang nga wala na sila ni Sheena Halili.

 

MABUTI PA sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, ang saya-saya pa rin nila!

Nakunan nga sila ng Startalk nu’ng nakaraang concert ng Foursome, at pagkatapos daw nu’n meron pa silang pupuntahan na merong surprise daw si Hayden sa kanya. Ang sweet, ‘di ba?

Pero ang sabi, close friends lang daw talaga sila at mas okay raw na ganu’n.

Sabi kasi ni Vicki, madalas daw hindi maganda ang nangyayari kapag naging sila. Kaya mas okay raw na ganu’n lang sila.

Hay, naku! Maniniwala ba kayo?

Ang sa akin lang, kung saan masaya si Dra. Belo, masaya na rin ako. Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, eh, ‘di gow! Feeling ko naman diyan, hindi talaga siya iiwanan ni Hayden, eh!

Kaya tuloy pa rin ang maganda nilang samahan at wala nang magagawa riyan ang mga anak nila.

Sabi nga ni Dra. Belo, mas naging close pa nga raw ngayon sina Hayden at Direk Quark Henares.

Si Cristalle naman daw, alam niya kung ano ang magpapasaya sa kanya, okay na rin sa kanya.

At least masaya si Dra. Belo, okay na ‘yun!

Sabi rin ni Hayden, kung sakaling magkabalikan (magkabalikan daw, oh!), daw sila, marami na raw silang natutunan sa mga nakaraan nila na magagamit nila ngayon para lalong mas maging matatag ang kanilang relasyon.

Okay fine!

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Lovi Poe, inaming sila ni Jake Cuenca?!

    • Hindi porket attracted at patay na patay itong si Jake Cuenca ay nilandi na agad, hindi rin porket nagka-crush na itong si Rocco Nacino dati kay Lovi Poe nung baguhan pa lang ito sa showbiz ay nilandi na agad, grabe ANLABO niyo naman ! Eh bakit kayo hah? Sa barangay niyo? Daig niyo pa nga yung Basketball player kung mang-agaw eh! Tang ina niyo mga pakangkang na haters !

Leave a Reply

Your email address will not be published.