Lovi Poe, iiyak lang ‘pag may bayad

Lovi Poe

Lovi Poe

Personal choice ng “Someone To Watch Over Me” lead star na si Lovi Poe na hindi muna mag-boyfriend ngayon.

“Choice ko kasi ‘yon, na parang  kailangan ko munang gawin ito on my own. Sometimes kasi, some people work well alone. I’m not saying na I’m gonna be like this forever. Pero ngayon, at this very moment, mas kaya kong gawin ‘yung mga gusto kong gawin nang mag-isa,” sabi ng aktres.

Sa tingin daw kasi niya, hindi niya kakayaning mapagsabay ang lovelife at career lalo pa nga’t nagte-taping siya ng “Someone To Watch Over Me” at magiging busy rin sa promo ng pelikulang “The Escort” kasama si Derek Ramsay.

“Ako kasi, hindi ko siya mapagsabay nang tama (career and lovelife), eh. Because ako, ‘pag na-in love ako, parang ang gusto, kasama ko siya palagi.

“Hindi naman ‘yung talagang nakadikit ko, parang you just love to spend most of your free time with him. Pero in my free time now, ang dami ko pang puwedeng gawin.”

Umiiyak ba siya sa lalaki sa bawat break-up na nae-experience niya?

“I don’t cry on a normal day. I know how to control it, eh. I only cry when I get paid for it. Ilalabas ko lang siya kapag kailangan. I’m saving it for taping,” natatawa niyang pahayag.

Kasama ni Lovi sa “Someone To Watch Over Me” sina Tom Rodriguez at Max Collins. Ang serye ay sa direksyon ni Maryo J. delos  Reyes.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.