Lovi Poe, iba-iba ang ka-date noong Pasko at Bagong Taon!

MATINDING SAMPALAN ang naganap kina Lovi Poe at Alessandra de Rossi na humantong sa totohanang sakitan na nga ng dalawa, sa primetime teleseryeng  Legacy ng GMA-7. Ipinakita ni Lovi ang pasa sa kanyang kanang balikat (black and blue). Sa sobrang lakas ng sampalan nila, pareho silang bumagsak sa floor. Ikinuwento ni Lovi ang nangyari sa kanila ni Alex. “Sampalan pero wala lang ‘yun sa amin. Masaya, tawa kami nang tawa after the take, kasi ‘yung eksena talagang nakakatawa kahit serious siya. Hanggang nagkagulo na kami nina Alex at Heart (Evangelista), kasi, magkaka-patid kami, all because of legacy.

“First scene na mapapanood ng lahat ‘yung maaanghang na eksena naming magkakapatid (Lovi, Heart at Alex). Sobrang nakakatuwa sina Heart at Alex as in laban, cockfight. First day lang, lalabas ‘yung pagiging mabait ko pero maldita. Kumbaga, totoong tao lang, maldita at saka mabait. Hindi naman super bait kasi, hindi naman totoo ‘yun. Walang totoong mabait lang, please… May pagka-maldita, a little touch of it, it’s depend on how you see it sa character ko. Medyo mayabang ako, I’m the boss here. I know how to handle everyone but then sa mga taong mahal ko ayun mahal ko talaga, doon ako bumibigay. Ang role ko, sexy and classy because she’s a rich girl but she knows what she wants. Kumbaga, kung may gusto siya, she has to get it but never siyang mananakit ng ibang tao. But then, kailangang gagawa siya ng way para lang makuha niya ang gusto niya, kasi nga spoiled siya.”

Inamin ni Lovi na nag-usap sila ni Alex na gawing makatotohanan ang eksena para sa ikasisiya ng viewing public. “Kami naman ni Alex nag-usap, sinabi namin kay Direk na okay lang. Kasi, it’s unfair naman sa manonood na ang ibigay namin ay fake. Hindi naman masakit, kailangan sa eksena. Hindi sumama ang loob namin, natawa pa nga si Alex kaya nga after noong scene na ‘yun, lahat kami nagkaroon ng bonding. ‘Yung sagutan namin parang “Temptation Island”, may hiritan kaya nakaka-excite,” say ng young actress.

Balita this coming Saturday ang dating ni Ronald Singson sa ‘Pinas, reaction ni Lovi? “I’m happy and it’s true, I will not be there but God knows I waited for this day. I will not be there by his side when he comes out. Alam naman natin I give him the support from the beginning, I will always  be there as his friend. The support will always be there naman even though it’s different now.”

Inamin ni Lovi na matagal na silang hindi nakakapag-usap ni Ronald pero kahit hindi niya aminin, na-miss niya ang dating boyfriend. “It’s hard na rin to keep that communication because of the situation. I maybe be supporting him in a different way, nand’yan pa rin ‘yung support ko. “

‘Yung love mo kay Ronald, nand’yan pa rin ba? “Ah, I  don’t know. I love my career. Hahaha! Du’n lang ako love ngayon. I stop thinking about those things. Basta, anything about that… I’m just having fun. Thanks to my friend Solenn Heussaff. She thought me to have fun and now, here I am. You know what, let’s not have those sad moment…”

‘Yung rumors na ikakasal ka na raw this year, 2012? “Ito na nga aaminin ko… No, I’m happy pinagkatiwala sa akin ng GMA ang Legacy and I have so much to do with my life. Before, I get to meet whoever that person will be someday. Gusto ko, stable na ako sa sarili ko, ‘yung ako lang. Kaya kong tumayo sa sarili kong paa, not depending to anyone.”

Sa muling pagkikita nina Lovi at Ronald, operan siya ng kasal, tatanggapin kaya niya ito? “It’s gonna be different. I don’t know what to say kasi, kahit ako man hindi ko alam. Ma-imagine mo… hindi ko alam kung ano ang mangyayari.”

Naka-move-on na kaya nang tuluyan si Lovi sa past relationship niya? “Naka-focus ako ngayon sa sarili ko. For a time, I been doing the same thing all over and over again. Now that I’m thinking of myself first, parang maganda ang kinalalabasan. I’m going out a lot, I’m dating that’s it.”

Anong ibig sabihin ng pagdalaw ni Lovi kay Ronald sa Hong Kong kung sinasabi niya loveless siya ngayon? “Basta, secret ko na ‘yun. There is something you do na you just can’t… Siguro, I’m the type of person kasi talaga na ano sa buhay mo kahit maging kaibigan ko man lang or ano. Hindi ko binibitawan nang ganu’n na lang.”

Birong-totoo, sinabi ni Lovi, may ka-date siya noong Pasko at Bagong Taon. “Iba nu’ng Pasko at iba nu’ng Bagong Taon. Joke lang! Nag-Redhorse kami, palakasan kami kung sino ang unang malasing. Hahaha! Basta ako, sa dating game ako, I love it! Happy ako, I’m going out a lot and meeting a lot of people, ‘yun.”

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Lovi Poe, iba-iba ang ka-date noong Pasko at Bagong Taon!

  1. eto ata ka date niya noong bagong taon http://www.facebook.com/pages/7th-HIGH-Club-Room/251718654866920?ref=ts#!/photo.php?fbid=267692709958895&set=a.267672553294244.63478.120592934668874&type=3&theater

  2. pok pok tong lovi na to…….di pa sila split ni pangit ronald singson na addict, porke nakakulong lang eh kung kanikanino na……paglabas nun, dun naman siya ulit hayyyyyyyyyyy

  3. anlalandi ng mga kanguso…. siguro may kilala rin tong magaling na abortionist, hindi rin kasi nabubuntis…. parang si LUMANDING RHIAN RAMOS LANG…. ISAMA NA RIN PALA ANG MAKATING SI MARIANITA…. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.