Lovi Poe, gustong makasama si Coco Martin

Lovi Poe

Lovi Poe

Umaariba ngayon ang career ng primera aktresa na si Lovi Poe. mapa-pelikula man at telebisyon. Sa pelikula, katatapos lang niya ng shooting ng “The Escort”, kung saan first time niyang nakasama si Derek Ramsay. Balitang-balita na nagpaka-daring daw nang husto sa pelikula ang aktres.

Bukod kay Derek, may maiinit din daw siyang eksena kay Christopher de Leon na kasama rin sa pelikula. Naitanong tuloy namin sa dalaga kung ilan ang daring scenes niya with Derek at Christopher.

Sabi niya nang makatsikahan namin sa kanyang pocket presscon kamakailan, medyo marami raw at ito raw ang isa sa dapat abangan sa pelikula.

Enjoy si Lovi sa paggawa ng movies. Natutuwa siya na nakasasama niya ang mga beteranong artista, kung saan marami raw siyang natututuhan.

Pangarap din niyang makasama sina Sharon Cuneta at Vilma Santos. Gusto rin niyang makagawa muli ng pelikula with Nora Aunor na nakasama niya sa pelikulang “Thy Womb”, kung saan nanalo siya ng Best Supporting Actress sa Gawad Pasado.

Buong ningning din niyang sinabi na gusto niyang makapareha si Coco Martin. Masyado raw kasi siyang nababaitan kay Coco nang makasabay niya ito sa eroplano papunta sa isang out of town show.

Samantala, muling mapanonood si Lovi sa pinakabagong teleserye ng Kapuso Network na “Someone To Watch Over Me”. Sa September 5 na ito sa GMA Telebabad. Huling napanood ang dalaga sa TV sa teleseryeng “Beautiful Strangers”. Isang babaeng mapagparaya at isasakripisyo ang lahat alang-alang sa minamahal ang itinatakbo ng kanyang papel sa bagong programang ito. First time niyang makasasama bilang leading man si Tom Rodriguez.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.