LOVI POE AT ERICH GONZALES: May isyu nga ba para mauwi sa totohanan ang sampalan scene?

Lovi Poe and Erich Gonzales’ controversial sampalan scene in The Significant Other

NASA shooting ng bagong drama movie ni Direk Joel Lamangan na “The Significant Other”, si Papa Ahwel Paz ang reason kung bakit ako ang nakasama  ni Jobert Sucaldito last night sa radio show nila sa DZMM na ShowBuzz.

 
Nagbato lang ng istorya si Papa Ahwel mula sa location nila sa isang hotel sa Ortigas na hindi man naikuwento ni Papa Ahwel na ngayon ay kinakarir ang pag-arte aside from hosting. May madugong kaganapan sa shooting nila na kinasasangkutan nina Lovi Poe at Erich Gonzales.
 
Yes, madugo ang eksena ng sampalan ng dalawa na kumalat pa ang dugo sa white gown na suot ni Erich.
 

Erich Gonzales in a bloody white dress

 
 Ayon sa tsika ni Papa Ahwel sa kanyang Instagram account na detalyado ang pagkukuwento niya as a first hand eye witness sa insidente ay natigil ang shooting dahil para sa mga miron, naging madugong totohanan ang ginawa nilang “sampalan scene”.
 
 Ayon kay Papa Ahwel ay hindi promotional gimmick ang nangyari sampalan para  mapag-usapan lang ang pelikula kung saan si Tom Rodriguez ng bidang lalaki na pag-aagawan nina Lovi at Erich.
 
“True na true. Kasama ako sa cast. Nagulat kami lahat. Ang tindi ng sampal-gantihan. Hindi na-cut, pero may cut talaga daliri ni Erich.
 
“Tumulo talaga ang dugo sa gown niya. Nahiwa sa hikaw ni Lovi. Maga naman leeg ni Lovi,” kuwento ng radio host.
 
Wala ako maalala na may samaan ng loob ang dalawang artista para mangyari ang hindi dapat mangyari.
 
Sa showbiz kasi, pwede naman dayain ang sampalan scene na mako-control naman sa malakas na motion ng kamay na isasampal na ewan ko kung ano dahilan para umabot sa ganun ang eksena.
 

Lovi Poe, Tom Rodriguez and Erich Gonzales after shooting the stressful scene

 
After na mag-emergency break dahil sa nangyari, nauwi sa yakapan ng dalawang female lead ng pelikula.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.