Lovi Poe, ‘di pa rin maamin si Rocco Nacino

HINDI RIN naman biro ang mga pinagdaanang pakikipagrelasyon ni Lovi Poe kina Jolo Revilla at Ronald Singson, kung saan sa mura niyang edad noon ay kung anu-anong intriga ang nangyari habang sa magkaibang panahon ay karelasyon pa niya ang dalawang nabanggit.

Kaya nga marahil sa ngayon, kahit pa si Rocco Nacino ang laging nababanggit na bagong lalaking malapit ngayon sa puso ng young actress, hindi niya maamin kung isa na ba talagang malalim na relasyon ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Masaya raw talaga ngayon ang closeness nina Lovi at Rocco at nanggaling iyon mismo sa pahayag ni Lovi. Kaya lang, kung kakalkalin ang lalim ng pagtitinginan nila ni Rocco, hindi komportable ang aktres, dahil mas pabor pa rin siya na ang kanyang showbiz career ang intindihin.

“Ang dami ko pang gustong gawin, at sa pag-ayos ng pag-aartista ko, iyon ang gusto ko pa rin, na talagang maipagmalaki ako ng Papa ko (FPJ) kung nabubuhay pa lang siya,” wika ni Lovi.

Maging ang mommy niya na dating nag-artistang si Rowena Moran ay nakahinga na rin nang maluwag, na sa ngayon ay napapatunayan na talaga ni Lovi ang pagsisipag niya sa showbiz. Nakapagbibida na siya at ilang ulit na siyang tinanghal na Best Actress. Nakasama na niya ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Thy Womb at sa teleseryeng Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA-7 ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano na ang kanyang makakasama.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.