Lovi Poe, damay sa pagkalulong ni Ronald Singson sa Cocaine

AYAW NANG MAGSALITA ni Lovi Poe tungkol sa kaso ni Cong. Ronald Singson pagkatapos itong mag-plea ng guilty on drug trafficking.

Damay na naman kasi si Lovi sa mga pahayag ni Ronald tungkol sa pagkalulong nito sa cocaine dahil sa depression daw nang nagkalabuan sila noon.

May nadawit pang ibang pangalan na sinabi nitong nagsu-supply sa kanya ng cocaine, at ang usap-usapan meron pa raw ibang maglalabasang pangalan na madadamay. Matagal pa ang tatakbuhin ng kuwentong ito lalo na kung masentensiyahan na si Ronald.

Pagdating naman kay Lovi, talagang umiiwas na siya sa mga gustong mag-interview tungkol sa isyung iyan. Sobra na raw at napagod na raw siya sa kasasagot.

Eh, kasi naman, wala naman siyang inamin at malabo pa ang mga sagot nito lalo na pagdating sa relasyon nila ni Ronald.

May pelikula pa naman siyang pinu-promote ngayon at hindi maiwasang matanong na naman ito sa kanya. Pero talagang tikom na raw ang bibig niya at hindi na raw siya sasagot tungkol diyan.

Pero nandiyan pa rin ang suporta ni Lovi kay Ronald dahil tuwing may hea-ring ito talagang isinisingit niya sa sche-dule niya ang pagpunta ng Hong Kong para samahan ito.

Malapit na nga ang birthday nito at isa ‘yun sa mga wish niya na sana makasama na niya rito sa Pilipinas ang congressman sa espesyal na araw na ‘yun.

Valentine’s Day pa naman ang birthday ni Lovi! Mas lalo niyang ikasisiya kung ka-Valentine date na niya rito si Ronald. Iyan ay depende sa desisyon ng husgado ng Hong Kong.

PALAGAY KO TAPOS na ang taping ni Charice ng musical special niya sa GMA-7 na ipalalabas na sa February 13.

Alam ko nu’ng kamakalawa ng gabi sila nag-tape at ilan sa mga special guests niya sina Ogie Alcasid, Michael V, Rachelle Ann Go at Elmo Ma-galona.

Isa pa sanang gustung-gusto ni Charice na mag-guest ay si Regine Velasquez pero hindi naman pumuwede sa schedule ng Songbird dahil nagti-taping siya sa I Heart You Pare, kasabay ng presscon pa.

Ang problema pa ni Regine, may sakit daw siya kaya wala naman siyang boses. Hindi raw niya alam kung may viral infection o ano, kaya hirap pa siyang kumanta.

Type na type pa naman ni Regine na maka-duet si Charice dahil never pa silang nagsama sa isang show.

Pero enjoy si Charice sa maikling pagtatrabaho niya sa GMA-7 dahil mainit ang pagtanggap sa kanya, at ang ibang Kapuso artists na hindi pa niya nakatrabaho, nakasama na niya ngayon.

Mas excited daw siya sa lahat ay si Michael V na matagal na niyang gustong makasama.

Sa pakikipagpanayam kay Charice, sinagot nito ang isang isyung pang-isnab daw nito sa press nu’ng pumunta siya rito para sa show nila ni Gary Valenciano.

Sey ni Charice; “Kasi po ‘yung team ko sa States sobrang higpit po nila. Siyempre wala naman akong right na sabihin sa kanilang hindi puwede, hindi puwede. Pero in-explain ko naman sa kanila na kapag umuuwi ako ganu’n naman talaga ang ginagawa ko. Papa-interview ako, pero siyempre nirerespeto ko rin ang desisyon nila.”

Abangan n’yo na lang itong special ni Charice na Home for Valentine na mapapanood sa GMA-7 sa February 13.

KASISIMULA NA RIN lang ng buwan ng Pebrero, may aabangan kayong bonggang pa-sabog ang GMA-7 na ia-announce sa 24 Oras sa February 7.

Successful na nga ang pagpasok ng bagong taon sa GMA-7 dahil sa mainit na pagtanggap sa Dwarfina, pati ang Koreanovelang Baker King at Temptation of Wife.

May magandang achievement din ang ilang Kapuso stars, kung saan napili sa People of the Year ng People Asia Magazine sina Mike Enriquez at Dingdong Dantes. Kaya itutuloy-tuloy ito hanggang sa buwan ng Pebrero.

Kung ano itong malaking announcement ng GMA-7, abangan na lang sa February 7! Huwag na huwag n’yong palalagpasin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Lovi Poe, damay sa pagkalulong ni Ronald Singson sa Cocaine

  1. hay,lola lovi,hiwalayan mo na ang trafficker na yan,masasayang lang ganda at buhay mo,humanap ka na lang ng iba,dito naman ako,hahaha…ano yun 'TOMBOYAN',hahaha…yun na…

Leave a Reply

Your email address will not be published.