Lovi Poe, bahagi pa rin daw ng buhay niya si Cong. Ronald Singson

NAGHAHANDA NA raw si Lovi Poe sa pagsisimula nila ng taping para naman sa Akin Pa Rin Ang Bukas, ang bagong seryeng pagtatambalan nila ulit ni Rocco Nacino kasama si Cesar Montano sa GMA-7. Ikatlong pagtatambal na nila ito ni Rocco. Parang sila nga talaga ang bagay na bilang magkapareha?

“Oo nga, e!” sabay ngiti sabi ni Lovi. “I’m very excited kasi nga… once again magkakasama kami.

“And… lagi naman kaming magkasundo ni Rocco. Kasi nga ‘yong personalities namin, nagdya-jive talaga.”

Pareho silang single. Magka-match ang personalidad nila. Pero hindi sila humahantong sa puntong nagkakagustuhan o nadi-develop ang kanilang friendship into something deeper and intimate talaga. Kaya ang tanong ng marami… bakit nga ba?

“Kasi ayaw… now that we’re working together, siyempre gusto ko parang… unahin muna ‘yong trabaho. Mas healthy kasi kapag gano’n,” sabay ngiti ulit niya.

Wala muna raw talaga sa lovelife ang interes niya sa ngayon. Ito ang laging binibigyang-diin ni Lovi sa mga interviews sa kanya.

Pero kamakailan, napabalitang nakita raw silang magkasamang nagbakasyon sa Amanpulo ng ex-boyfriend niyang si Ronald Singson.

“A… talaga?” bahagyang natawang tanong ni Lovi. “I heard din nga about that, e. Pero nasa Buso Buso ako lagi at nagti-taping ng Titser!” tawa ulit niya.

Look alike lang niya ‘yong nakitang kasama ni Ronald sa Amanpulo? “Hindi ko alam.”

Hindi naman itinanggi ni Lovi na may regular communication pa rin siya ni Ronald. “Magkaibigan pa rin kaming dalawa,” matipid niyang pahayag.

Hindi ba nila napag-usapan ‘yong tungkol sa balitang nakita silang magkasama nga sa Amanpulo? “No. Deadma lang ako. Oo. Hindi naman totoo. Kasi nga, lagi akong nasa Buso Buso at nagti-taping.”

Ikinaiinis ba niya na hindi pa rin nabubura ang hinalang baka sila pa rin ng dating Kongresista? “Hindi naman. He’ll always be a part of me. So, it’s nothing. Hindi ko kinakainisan na nali-link pa rin ako sa kanya.  It’s something that I’ll always be thankful for.

Pero sa ngayon, wala raw ibang gustong pagtuunan ng pansin si Lovi kundi trabaho lang.

“Wala akong panahong makipag-date. Mahirap magsingit ng time for that. Nasa Buso Buso ako lagi. Puro trabaho.”

Pero hindi ba malungkot din na walang lovelife? Walang inspirasyon?

“Puwede ka namang kumuha ng inspirasyon sa ibang mga bagay. Katulad ng nangyayari sa akin ngayon. Parang hindi ako makapaniwala sa magandang takbo ng career ko ngayon. Sa magagandang opportunities at projects na nakukuha ko. Kaya do’n pa lang, parang nai-inspire na ako. Everytime na gumigising ako sa umaga, parang mas excited akong magtrabaho.”

Pero may mga gustong manligaw at nagpaparamdam sa kanya ngayon? Wala, e. Hindi talaga ako ligawin!” tawa ulit niya.

Lately, pinag-uusapan din ang tungkol sa mga daring scenes na ginawa niya sa indie film na Lihis. “Well, kasi kailangan siya sa istorya. Pero hindi lang naman iyon ang aabangan sa pelikula.”

Tuloy rin lang ang taping ni Lovi para sa docu drama na Titser na sa kasalukuyan ay napapanood sa GMA News TV 11.

“Mahirap. Pero I am enjoying the experience. Like ‘yong paglalakad sa mga madamo at maputik na daanan. Tumatawid kami ng ilog. Minsan maulan pa. So, mahirap nga ‘yong daan. Pero enjoy naman kami. It’s something that I’m really so proud that I’m working on this.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Lovi Poe, bahagi pa rin daw ng buhay niya si Cong. Ronald Singson

  1. naku kasi ilang beses nang nakangkang ni singson kaya talagang bahagi ka pa rin ng buhay niya hahahahaha! chakanezz!

    • JUICE MEH, IKAW BA NAMAN ANG BIGYAN NG LUHO. AT DI LANG YON, MAGALING DIN DAW SUMISID YANG SI EX-CON. HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.