Lovi Poe, ayaw saktan si Maricel Soriano

Lovi-PoeWALA PA mang specific date kung kailan magsisimula ang taping, getting ready na raw si Lovi Poe para sa bagong soap na gagawin niya sa GMA 7 na may working title na Dalawang Mrs. Real. Sa unang pagkakataon, makakatrabaho niya rito si Maricel Soriano with Dingdong dantes bilang leading man nila.

“Ibang-iba ang story niya,” aniya. “Ibang-iba ang atake niya. “And of course, definitely it’s not the typical soap opera. It’s gonna be extra-ordinary. Well, hindi pa kami nag-story con. But we all met already. Me, Dingdong, and Ms. Maricel. And the rest of the staff. The meeting was very good. Excited kaming lahat dahil nga may kanya-kanyang kaming istorya. Napag-usapan na namin ‘yong pilot episode. So, exciting talaga siya.

“I’m very excited. It’s not just the usual na tatlong tao na kasama sa soap dahil may kanya-kanya ngang istorya. At saka may mga kailangan akong pag-aralan for my character. Na hindi siya usual Lovi na napapanood ninyo dati. Magpapagupit nga ako ng buhok. Talagang may major change. Hindi lang sa looks but even sa personality. Kailangan ko ng change. Hindi siya chill na ganito.”

Sa istorya ay magiging magkaagaw sila ni Maricel kay Dingdong. Pero hindi pa raw malinaw kay Lovi kung paano. Malamang, magkakaroon sila ng tarayan at matitinding confrontation scenes. At may mga tagpo ng sampalan din nila ni Maricel.

“That part, hindi pa namin napag-uusapan. ‘Coz we don’t want it to be the same nga sa typical na soap opera.”

If ever, kakayanin ba niyang sampal-sapalin ang Diamond Star na nabansagan ding Taray Queen?

“Oh, my God! You know… parang hindi ko kaya talaga!” sabay tawa ng Kapuso actress. “I have high respect for her. Like… super! I mean, I thought of that na. Naisip ko rin ‘yon. Sabi ko, my God, how can I even like push her! I can’t do it. Hindi kaya. Hindi ko kaya. Pero kapag ni-require nga ang gano’ng scene, I’m sure gagawin ko naman. Susubukan kong kayanin. But kung sa ngayon na naiisip ko pa lang siya, I cannot! Hahaha!”

Natatakot ba siya sa maging posibleng ganting sampal din sa kanya ni Maricel sa gano’ng eksena?

“Hindi ako takot sa ganti niya. It’s just that… idol ko siya. So, ang hirap gawin! Oo.”

Pero kung siya lang ang sasampal-samplain ni Maricel, since idol niya ito, talagang okey lang sa kanya?

“Okey lang. Oh my God, I’ll accept it with my whole ano…” tawa na naman niya. “Willing akong pasampal sa kanya. Of course! Kanino ka pa ba magpapasampal kundi kay Ms. Maricel Soriano? Hahahaha! Parang… priviledge ‘yon! Priviledge talaga. Actually a scene with her… makasama mo lang siya sa eksena eh, malaking bagay na para sa akin.”

Siguro may kaba rin siyang mararamdaman kapag nando’n na sila sa isang eksena at nagkakabatuhan na ng linya?

“Oh, yes. Of course! May pressure talaga. And excitement at the same time. Kumbaga, it’s one of the things that I’ve dreamed of eversince is to be with Ms. Maricel Soriano. And now that it’s about to happen, parang kinakabahan ako. But of course, it’s always nice to accept another challenge. And I’m sure marami akong matututunan kay Ms. Maricel. She’s a very, very wonderful person. At no’ng nagkasama kami, magaan ang loob ko sa kanya kaagad. She was very nice to me. So, I know everything will go on smoothly.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Lovi Poe, ayaw saktan si Maricel Soriano

  1. I love miss lovie,good luck sa inyu,another beautiful telebabad f gma,sa mga haters nang gma7,they really doing great…nood lng kayu sa abs pra wlang heartache kesa i dadown nyoang gma…gogo gma

    hope ma post ito

  2. I love miss lovie,good luck sa inyu,another beautiful telebabad f gma,sa mga haters nang gma7,they really doing great…nood lng kayu sa abs pra wlang heartache kesa i dadown nyoang gma…gogo gma

Leave a Reply

Your email address will not be published.