Lovi Poe at Ronald Singson, ‘di pa talaga break?!

DUMATING NA nu’ng Sabado ng hapon ang dating Congressman Ronald Singson na tinutukan ng Startalk. Hindi na nga lang namin nailabas ang pagdating niya sa Vigan dahil late na ito nakarating galing Maynila.

Sa Maynila pala ito dumiretso galing HongKong at mula roon, tumuloy ang private plane niya sa Vigan, kung saan maraming nag-aabang sa kanyang pagdating. May pamisa sila roon na dinaluhan ng halos lahat na mga mayor at ilang kaibigang pulitiko sa Ilocos Sur.

Sinundo ni Gov. Chavit Singson ang kanyang anak, pero siyempre ang inaabangan naman ng Startalk du’n, kung darating ba si Lovi Poe.

Sabi naman kasi ni Lovi, hindi siya makakasalubong kay Ro-nald, pero since nandito na siya sa Pilipinas, hindi puwedeng hindi sila magkita, ‘no!

Pero nakatutok du’n ang mga reporters at mga taga-showbiz talk shows, hindi raw nila nakita si Lovi.

Si Lovi naman, tahimik lang at iniiwasan niyang pag-usapan ito. Kung puwede, iwan na lang daw muna ‘yun sa kanya at gusto niyang ma-maintain ang privacy ng kanyang personal na isyu. Kasama na riyan siyempre ang lovelife niya, ‘no! Feeling naman namin talaga, sila pa rin at hindi naman nag-break.

Magkakaalaman din ‘yan. Abangan na lang natin.

Mas pinagkaabalahan na lang ngayon ni Lovi ang promo ng bagong drama series niya sa GMA-7 na Le-gacy na magsisimula na mamayang gabi pagkatapos ng Munting Heredera.

 

NGAYONG ARAW rin pala magsisimulang mag-taping si Marian Rivera sa My Beloved na bale pagbabalik-tamba-lan nila ni Dingdong Dantes.

Nu’ng Biyernes lang natapos ang Amaya at nagbakasyon muna sandali sila ni Dingdong sa Singapore kasama ang kani-kanilang manager na sina Perry Lansigan at Popoy Caritativo.

Kailangan naman daw muna ni Marian na magbakasyon sandali para makapagpahinga sa halos sampung buwan nilang pagti-taping ng Amaya.

Pero ngayon, handa naman siya sa My Beloved at isa nga sa paghahanda niya ay nagpagupit ito para bagong look naman sa karakter na gagampanan niya sa My Beloved.

Excited si Marian dito kaya okay lang sa kanya na trabaho siya agad kahit katatapos lang niya ng Amaya.

Hindi pa pala makapag-comment si Marian sa lumabas na isyung magsasama sila ni Angel Locsin sa isang pelikula.

Hindi naman daw siya ang magdi-decide niyan, at siyempre under contract siya sa Regal Films kaya wala pa siyang masasabi riyan kung tuloy o hindi.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Lovi Poe at Ronald Singson, ‘di pa talaga break?!

  1. Lolit…pakilagay naman O kaya naman ay pakitanong kay Kris Aquino..kung bakit parang umiiwas siyang i-mention Si Sarah Geronimo sa show niya…halatang halata siya kasi noon ini-interview niya si Joey de Leon..parang lagi niyang nililigaw ang usapan kapag na me-mention na ni Joey si Sarah…at ngayon sa mga sign nang mga chinese lahat na ata nang mga under Dragon sign ay na-mention nya maliban kay Sarah…ano ba ang galit niya kay Sarah.?..Baka magalit na ang mga maka-Sarah sa kanya…at mag-welga sila na huwag panoorin ang mga teleserye, endorsement at pelikula niya…Kaya mga maka-Sarah…kumilos na kayo…para sa INYONG Idolo….kung galit si Kris kay Sarah…magalit na rin kayo sa kanya….at kung hahabol siya nang kahit ano sa pulitika….HUWAG NYO SIYANG IBOTO. .  Sana Lolit iparating mo ito sa kanya…thru your Startalk  show….maging patas naman siya sa lahat…Sana huwag na siyang mag-ka-programa..kung ganon ang attitude niya…  

Leave a Reply

Your email address will not be published.