Lovi Poe at Jolo Revilla, hindi pa hiwalay – Eddie Littlefield

MAUGONG PA RIN ang bali-balitang naghiwalay na raw ng landas ang magdyowang sina Lovi Poe at Jolo Revilla. Ayon kasi sa kampo ng dalaga, hindi daw kasi makakatulong sa career  nito ang pakikipagrelasyon sa batang action star kaya minabuting tapusin na ang kanilang relasyon.

Nang makausap namin si Jolo sa isang event sa Bacoor Cavite, napag-alaman namin nakarating na pala sa kanya ang balitang split na raw sila ni Lovi. Nagtampo raw kasi ang dalaga sa hindi pagsipot nito sa premiere night ng kanyang indie film na Walang Hanggang Paalam with Jacky Woo na ginanap sa CCP.

“Alam ni Lovi may commitment ako that day kaya hindi ako makakarating.  Palagi akong naka-support sa lahat ng ginagawa niya, alam niya ‘yun.  I’m happy for her dahil sunud-sunod ang project niya, napakababaw naman kung ‘yun lang ang magiging dahilan,”sambit ng binata.

Bakit nga ba mag-isa lang si Jolo nanood ng concert ni Lady Gaga sa Araneta Coliseum ? Tuloy, marami ang nag-isip na break na nga raw ang dalawa.“Dapat nga sana kaming dalawa ang manonood, tinawagan ko pa siya. Kaso mo nga, may taping siya that day, hindi siya puwedeng magpaalam,  hindi talaga siya puwede. Aware naman ako sa mga issues na naglalabasan tungkol sa aming dalawa. Walang akong nakikitang dahilan para maghiwalay kami, pareho lang kaming busy kaya bihira lang kami magkita.  Busy siya sa bagong niyang soap, ganu’n din naman ako so, it’s not true na hiwalay na kami,” paliwanag niya.

Ilang beses na nga bang pinaghiwalay sina Jolo at Lovi pero hanggang ngayon matatag pa rin ang kanilang relasyon. Pati nga pamilya nila’y  nasangkot sa intriga, buti na lang agad naayos ang gusot sa pagitan nila. “Nasanay na rin kami, palagi naman kaming pinaghihiwalay, sorry na lang palagi silang bigo! Hindi ko na nga mabilang ang mga issue tungkol sa amin ni Lovi. Maraming intriga na ang dumating sa aming dalawa pero eto pa rin kami ipinaglalaban kung anumang relasyon mayroon kami sa ngayon,”pahayag ng action star.

Kapansin-pansin ang matipunong pangangatawan ngayon ni Jolo, pinaghahandaan niya ang bago niyang teleserye na Agimat with Shaina Magdayao as his leading lady sa Kapamilya network.  Nakatutok ngayon sa panonood ng Agimat ang binatang anak ni Sen. Bong Revilla at ang family nito. Kailangan sigurong  mahigitan o mapantayan man lamang ni Jolo ang husay at galing nina Gerald Anderson, Coco Martin at Jake Cuenca pagdating sa action/drama. Sige nga, abangan natin kung sino sa kanilang apat ang pinakamagaling.

Back-up dancer, indie aktor na

KAHIT NAGING BACK-UP dancer lang si Justin Gonzales ni Gerald Anderson, hindi sagabal ito para maabot niya ang pangarap maging isang sikat na artista. Mapaghamong papel ang kanyang ginampanan sa mga indie films na Vhagets, Kelly, Kelly at No Exit. Nakasama na rin niya si Maja Salvador sa Maalaala Mo Kaya at May Bukas Pa.

Bukod sa pagsayaw at pagarte, gusto rin ni Justin ipakita ang talento niya sa pagkanta. Nag-aaral siya ngayon sa isang home study program sa Angelicum College, inuumpisahan na rin niya ang kanyang voice lessons. Determinado ang binata sa kanyang ambisyon, walang dahilan para hindi niya ito maabot.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Lovi Poe at Jolo Revilla, hindi pa hiwalay – Eddie Littlefield

  1. Matipuno ang katawan? Eh paano ang mukha? Nakakawalang-gana itong batang ito. Zero appeal, no talent. Malamang tatakbo ito nang posisyon sa gobyerno balang araw, sumusunod sa yapak ng ama eh.

  2. Kapal ng mukha nito naging bida sa Agimat. Palibhasa package deal un eh. sana matalo ung Tatay mo sa eleksyon. walang ginawa sa senado. Puro sawsaw pa sa mga isyu. Sama mo na ung Nanay mo, matalo rin sana sa cavite. hehehe

  3. Buhay pa pala itong “kilay na tinubuan ng tao” na ito. Kapal ng mukha pumasok sa showbiz, wala namang talent, kung hindi lang sikat ang magulang nito, walang magandang hinaharap to. Anak ng walang kwentang senador na walang ginawa sa Senado kundi manood ng sex video. Sayang lang ang binabayad sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.