Lovi Poe at anak ni Chavit Singson, inumaga sa bar: Maitatanggi pa ba?! – Eddie Littlefield

[ad#post-ad-box]

PILIT PA RIN pinagdidiinan ni Lovi Poe na walang third party involved sa break-up nila ni Jolo Revilla. Deny to death pa rin hanggang ngayon ang dalaga tungkol sa tunay nilang relasyon ni Ronald Singson kahit madalas silang napagkikitang magkasama sa 121 Grill and Restaurant, Allegro Center, Pasong Tamo Extension, Makati City. Sinasabing ang anak diumano ni Gov. Chavit Singson ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Lovi at Jolo.

Ayon sa aming source, kailan lang, dalawang gabi raw silang nakitang magkasama sa nasabing lugar. Last Saturday, ang pinakamasayang gabi raw nina Lovi at Ronald kasama ang kanilang mga kaibigan. Masayang nagkatuwaan ang grupo, drink nga raw sila ng tig-iisang shot ng Tequilla. Hindi nga raw namalayan nina Lovi at Ronald na mag-uumaga na, nag-enjoy kasi ang dalawa with their friends. Agad daw pinakuha ni Ronald ang bill at sabay silang lumabas ng resto-bar para ihatid ang dalaga.

Ngayong may ebidensiya kaming litrato nina Lovi at Ronald na magkasama sa nasabing resto-bar, itanggi pa kaya ng singer/actress na may mutual understanding na sila ng anak ni Chavit Singson. Walang masama sa kanilang relasyon kung totoo nga silang tunay na nagmamahalan. Bakit idi-deny pa ni Lovi kung mahal naman nila ang isa’t isa? Lahat naman tayo’y may karapatang lumigaya sa taong mahal natin, ‘di ba?

Well, katatapos lang ni Lovi (almost two years) sa first relationship niya with Jolo. Hindi pa siguro siya ready para aminin ang tungkol sa kanila ngayon ni Ronald. Hindi nga natin alam kung hanggang kailan tatagal ang kanilang relasyon. Hayaan na lang nating maging private ang kanilang love affair.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Lovi Poe at anak ni Chavit Singson, inumaga sa bar: Maitatanggi pa ba?! – Eddie Littlefield

  1. kasi nga nakaw na picture… pero basahin ang articles parang sya lang ang may picture at napakalaking ebidensya, napakalabo at di naman visible yung identity ng nasa picture. SINUNGALING LANG TALAGA para lang may maisulat at may pambayad sa lalake. ano naman kaya kung totoong magkasama yung dalawa linalagyan lang ng malisya ng writer na eto. gawain ng isang balahurang writer.

  2. oh c’mon .. maglalagay lang kayo ng picture!
    yun pang ndi kita ang mukha ng taong tinutukoy nyo!

    what a great proof! .. walang kwenta!

    kung magbibigay kayo ng proof yung kita ang mukha ng tao! ndi yung side-view, buhok or likod lng ang kita! tsk!

Leave a Reply

Your email address will not be published.