Lovi Poe and Richard Gutierrez: The Best Actress and Her Hero!

LOVI POE

Real Name: Lourdes Virginia

Moran Poe

Birthdate: February 11, 1989

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

RICHARD GUTIERREZ

Real Name: Richard Kristian

Rama Gutierrez

Birthdate: January 21, 1984

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

ISA SA MGA love angles na inaabangan gabi-gabi sa Captain Barbell 2011 ang namumuong pagtitinginan sa pagitan nina Teng (Richard Gutierrez) at Althea (Lovi Poe). Sa nasabing fantaserye, si Althea ang naging beneficiary ng puso ni Leah (Rhian Ramos), ang first love ni Teng. In short, nabuhay ang pag-ibig sa katauhan ni Althea. Sa totoo lang, parang may hawig sa Twin Hearts nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia ang istoryang ito… at Althea nga rin pala ang pangalan ni Tanya ‘dun, huh?!

Anyway, matagal nang nasa bakuran ng Siyete si Lovi Poe, pero lately lang naisipan ng network na ipareha ito kay Richard. Una silang nagtambal sa pelikulang ‘My Valentine Girls’. Marami ang nagsasabing may hawig nga itong si Lovi sa dating ka-loveteam ni Chard na si Angel Locsin.

Sa pagkakaalam namin, parehong single and ready to mingle ang dalawang celeb. May chance naman kayang sagipin ni Richard ang hea-ling heart ni Lovi? Ahem…

Sa astrology, madalas na hindi maganda ang nagiging resulta ng pag-iibigan sa pagitan ng dalawang magkaparehong zodiac sign. Dito naman naiiba ang Aquarius. Parehong kilala sa pagi-ging outgoing, friendly at active sa kung anu-anong social gatherings. Pareho silang marunong makitu-ngo sa iba’t ibang klase ng tao at nirerespeto nila ang mga nakakasalamuha nila. Natural sa isang Aquarius na paminsan-minsa’y nagre-request ng sariling ‘me’ time. Sino nga ba ang makakaintindi sa pangangailangang ito maliban sa kapwa Aquarian?

Hindi masyadong intimate ang pagsasama ng dalawang Aquarius dahil pareho silang mahilig lumabas in large groups, pero parehong malawak ang kanilang pag-unawa lalo na sa mga seryosong bagay. Bihirang magkaselosan o magkasakalan ang pagsasamang ito. Palaging pre-sent ang respeto, pero hindi maikakailang hindi kasing-init ang romansa sa pagitan nila.

Obvious naman na may chemistry talaga ang pagsasama ng dalawang Aqua-rian. Pareho silang practical, realistic at mas pinaaandar ang utak kesa sa puso. Pareho rin silang independent kaya hindi nila poproblemahin ang pagiging clingy ng kung sinuman sa kanila. Halata rin naman ito sa naging past relationships nina Richard at Lovi. Siguro kung mabibigyan ng pagkakataon, magiging hit sa totoong buhay ang Richard-Lovi tandem. Tamang-tama, isang pambihirang tandem ang Best Actress at Super Hero, ‘di ba? More power of love sa inyo! Yihee!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

3 thoughts on “Lovi Poe and Richard Gutierrez: The Best Actress and Her Hero!

  1. Hindi naman totoong break si Lovi at yung drug addict nyang jowa eh.. Yung tatay mismo ni Singson ang nagsabi na sumasama sa private jet plane nila si Lovi pagdinadalaw nila ang bf ni Lovi sa Hongkong.. Showbiz nga naman.. haha :D

Leave a Reply

Your email address will not be published.