Lovi Poe, aminadong flirty siya!

SA DAMI ng mga lalaking inili-link kay Lovi Poe ngayon, mula kina Jake Cuenca, Rocco Nacino, Mygz Villafuerte at sa nakarelasyon nitong si Ronald Singson, mariing pinabulaanan ni Lovi na may kinalaman dito ang kanyang kauna-unahang perfume sa Bench, ang “Love Affair” na siya mismo ang pumili ng scent.

Tsika nga nito sa mala-concert na launching nito na ginanap sa Trinoma, kung saan dumalo ang kanyang napakagandang Mommy Rowena, kasama ang kanyang sister at manager na si Leo Dominguez, “flirty, fun and sweet” ang ibig sabihin ng pabango niya .Pero bawi nito na, “Hindi ako flirty masyado. Joke lang! Ha! Ha! Ha! Hindi, namimili naman ako.”

Pero aminado naman ito na bawat tao ay may flirty side. “Oo naman. Let’s not pretend, you know. Ha! Ha! Ha! Pero kaya nga may perfume, para siya na lang ang maglandi for you. Ha! Ha! Ha! Ha!”

At kahit nga raw Love Affair ang pangalan ng kanyang pabango ay honest naman nitong sinabi na wala siyang ka-love affair, kundi dating-dating lang.

“Wala akong ka-love affair. Dating-dating, ganu’n lang. Ano lang, I wanna enjoy my life. Of course, we don’t know what the future will bring. But then right now, I just wanna focus on work,” pagtatapos ni Lovi.

NALUNGKOT SI Kris Bernal dahil hindi na siya matutuloy sa pelikulang dapat sana ay maglulunsad sa kanya bilang mature actress, kung saan mapapanood sana siya ng kanyang mga tagahanga na naka-panty at bra.

Ang kaso, nabahala ang GMA-7 na baka mawala na ang wholesome image nito na click na click sa mga manonood kapag pinasok na ni Kris ang pagdi-daring sa pelikula na sana’y pamamahalaan ni Direk Gil Portes sa FDCP Sineng Pambansa All Masters’ Division.

Tsika nga ni Kris na hinayang na hinayang na siya dahil naka pag-undergo na siya ng workshops at nakapag-interview ng mga taong nakaranas na mag-drugs, preparasyon na rin sa kanyang role na gagampanan.

Dagdag pa ni Kris na management decision daw ang pagkaka-pull out niya sa said movie, naipaliwanag naman daw sa kanya na marami pang wholesome projects na nakalaan sa kanya, kaya ‘wag daw nitong madaliin ang pagtanggap ng daring at matured roles kagaya ng pelikulang sana’y kanyang gagawin, at naintindihan naman daw ito ni Kris.

 

MARAMING HUMANGA sa galing mag-rap ng GMA Prime Artist at isa sa leadingman ng Kakambal ni Eliana na si Kristoffer Martin nang mag-rap ito sa newest Sunday variety show ng GMA-7, ang SAS (Sunday All Stars).

Marami kasi ang nakaaaalam na magaling kumanta si Tuntun (palayaw ng young actor), pero hindi marahil inaakala ng marami na magaling din itong mag-rap. Tsika nga ng mga kapatid sa panulat na may karapatan pa itong magkaroon ng sariling record album dahil sa ganda ng boses, kumpara sa ibang artistang nabibigyan ng album pero wala namang boses.

Bukod sa galing sa pag-awit at pagra-rap, isa rin si Kristoffer sa maituturing na magaling na aktor sa kanyang henerasyon. Katibayan nga ang pagtanggap niya ng Best Supporting Actor sa ENPRESS Golden Screen Awards para sa kanyang pelikulang Oros.

 John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Lovi Poe, aminadong flirty siya!

  1. kahit naman  mag budbod ng sandamakmak na pabango yang si lovi po…still mukhang mabaho pa rin siya…d siya mabangong tignan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.