Loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, sobrang nakami-miss!

ANO BA  ANG nakami-miss sa loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo? Isa sina Lloydie at Bea sa mga artistang nakakikilig panoorin on-screen kahit alam mong hindi sila sa totoong buhay. They look good together and they have great chemistry that’s why fans are crazy over them.

I think hindi naman kinakailangang magkaroon sila ng relasyon sa totoong buhay para maging click sa mga fans. Pero sa totoo lang, malaking bagay kapag tinototohanan ng mga artista ang gusto ng kanilang fans. Alam ko ang pakiramdam na ito dahil naging die-hard fan ako ng Guy and Pip loveteam. Noong panahon namin, parang walang impiyerno, lahat langit  basta magkasama lang sina Guy at Pip. Parang may people power revolution sa dami ng mga fans na nakapila at sa loob ng mga sinehan kapag may bagong pelikula ang dalawa.

Ano nga bang meron ang loveteam nina Lloydie at Bea? Nai-partner na sila sa iba – si Lloydie kay Sarah Geronimo at si Bea kay Sam Milby – pero hindi pa rin nagmimintis ang magic nilang dalawa. Parang walang paliwanag talaga. Basta, meron lang dating ang kumbinasyon nila.

It has been three years since they did a project together kaya naman inaabangan na ang kanilang reunion movie titled Miss You Like Crazy. Ibang klaseng Lloydie at Bea raw ang mapapanood sa pelikula which tackles the issue of infidelity. In an interview with abs-cbnNEWS.com Bea said, “It’s very different sa ibang characters na nagawa na namin. The characters are flawed. Marami ang makaka-relate kasi very human. Dito ipinapakita iyong pagkakamali at kung paano itinatama ang pagkakamali.”

If the movie tells the story of a right love at a wrong time, can we expect some intimate scenes from Lloydie and Bea? We have already seen a sultry Bea wearing a two-piece swimsuit in her movie And I Love You So, kaya marami noon ang curious kung ito na kaya ang hudyat na handa na siyang maging mas daring sa kanyang mga susunod na projects. Kung nagkaroon siya ng intimate scene with Sam in the movie bakit naman hindi puwede with Lloydie, ‘di ba? Well, let’s find out in Miss You Like Crazy.

Gaya ng ibang de-kalibreng pelikula ng Star Cinema, pinaganda at pinaghandaan nang husto ang Miss You Like Crazy. If some scenes in Love Me Again (Land Down Under) was shot in Darwin and Sydney, Australia; For the First Time in Santorini, Greece; and In My Life sa New York; sa Malaysia naman kinunan ang ilang mahahalagang eksena sa pelikula.

Mababaliw at mai-inlove tayo kasama nina Lloydie at Bea sa Miss You Like Crazy na mapapanood na simula February 24 and directed by Ms. Cathy Garcia-Molina.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, sobrang nakami-miss!

  1. parang same na lang lagi ang character ni JLC..sana he could do something different naman ulit..like ng ginawa nya with vilma..

  2. eto naman po ang isang pakulong punong puno ng kaekekan…siguradong modess na namn ang padding sa sabihin uli ng abs naka P100million na nman sila…tsk tsk…sabagay ibang level na si john lloyd cruz laging pulutan ay pizza at lasing na lasing..parang si shaina ibang level na rin..lasenga na rin

Leave a Reply

Your email address will not be published.