Lovers, huling nagse-sex sa CR

ARESTADO ANG isang babae at ang kalaguyo nito matapos mahuli sa akto na nagtatalik sa loob ng comfort room ng isang restaurant sa Huervana, Lapaz, Iloilo.

Ayon sa security guard ng restaurant na si Mercurio Barle, sinabi nito na mismong ang kanilang OIC store manager na si Rowel Apurga ang nakahuli sa dalawa.

Ito’y matapos magreklamo ang mga kustomer ng restaurant sa kanilang matagal na pagpila sa labas ng palikuran dahil sa tagal ng mga gumagamit sa loob.

Nang inusisa, doon ay nahuli sa akto habang nagtatalik ang dalawa sa loob ng CR. Kaagad namang ini-report ang mga ito sa Lapaz Police Station.

Natuklasan na ang babae ay empleyado ng hindi pinangalanang tanggapan at mayroon nang asawa, habang ang lalaki naman ay nagpakilalang kapatid ng isang miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) na naka-assign sa Bacolod City.

Ayon naman kay PO1 Allain Selda, kasong grave scandal ang isasampa sa dalawa dahil sa kanilang nilikhang eskandalo sa pampublikong lugar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.